Ang OEC o OVERSEAS EMPLOYMENT CERTIFICATE ay tinatawag rin na EXIT PASS. Ito ay isang pribiliheyong ibinibigay sa mga OFWs, o mga Balik Manggagawa (workers on leave), upang maging exempted sa pagbabayad ng travel tax at mga terminal fees sa pagbabalik sa bansang pinagta-trabahuhan tulad ng Italya.
Ang mga Balik Mangagawa o Workers on leave ay hindi na kailangang magtungo sa POEA para sa OEC. Sila ay maaaring kumuha nito sa POLO-Rome o Milan bago lumabas ng basang Italya.
Ang mga Balik Mangagawa ay ang sumusunod:
– OFW na nasa bakasyon
– OFW na babalik sa mga dating employer
– OFW na dating undocumented (turista, mag-aaral, businessmen) na ngayon ay documented
Ang mga hindi maituturing na Balik Manggagawa ay ang sumusunod:
– OFW na nawalan ng trabaho
– Mga dependents ng mga OFWs o carico na may karapatan sa mas mababang travel tax sa pamamagitan ng Philippine Tourism Authority, Manila
– Ang mga mayroong student permit to stay
– Ang mga mayroong business permit to stay
– Ang mga permanent residents sa ibang bansa
Requirements:
1. Original passport
2. Carta di soggiorno – lavoro subordinato o anumang proof of employemnt tulad ng bollettini INPS, Busta Paga, OWWA membership, Pag-ibig/SSS membership
4. Service fee of €2.00
Sa pag-aaplay ng OEC, apat na kopya ang ibinibigay sa worker para sa:
– Airline para sa kaukulang exemption sa terminal fee
– Labor Assistance Counter (LAC/POEA) bilang travel exit
– Airport para sa kaukulang exemption sa terminal fee
– Kopya ng worker (validated ng LAC/POEA) na ipapakita sa Bureau of Immigration
Isang kopya naman ay iniiwan sa tanggapan ng POLO.
Ang validity ng OEC ay animnapung araw lamang, at ang ofws na magbabakasyon ng hindi lalampas sa animnapung araw lamang ang maaaring kumuha ng OEC sa POLO-Rome o POLO-Milan.
Ang sinumang mananantili sa Pilipinas ng higit sa animnapung araw ay maaaaring kumuha ng OEC sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) o sa pinaka malapit na DOLE-POEA Regional Office.
Ang mga family dependents o carico o mga carta di soggiorno familiare holders ay hindi kinakailangang kumuha ng OEC dahil sila ay kinakailangang magbayad ng reduced travel tax at terminal fee sa kanilang pag-alis ng Pilipnas.
Tatlong buwan naman ang ibinibigay na palugit matapos mawalan ng trabaho o cut-off para sa mga nag-aaplay ng OEC o exit pass. Halimbawa, kung uuwi ng Pilipinas ng buwan ng Enero 2013, ay nararapat na ipakitang proof of employment ang huling payroll o busta paga ng buwan ng Oktubre 2012.
Samakatwid, ang sinumang walang proof of employment o higit sa tatlong buwang walang trabaho at ang mga nabanggit na hindi maituturing na Balik Manggagawa ay hindi mai-isyuhan ng OEC o exit pass. At upang muling makalabas ng bansang Pilipinas ay dapat magbayad ng travel tax na nagkakahalaga ng P1620.00 at terminal fee ng P 550.00. Tulad ng nabanggit, sila ay ang mga permesso di soggiorno per attesa occupazione holders, ang mga permesso di soggiorno per lavoro autonomo holders, ang mga itinuturing na disable o invalidi civili at ang mga mayroong iba pang uri ng permit to stay na hindi lavoro subordinato.
Sa madaling salita, sa Italya, bilang imigrante, ang mga permesso di soggiorno per attesa occupazione holders ay mayroong isang taon upang maghanap ng panibagong trabaho at habang nakatala sa employment center o sa listahan ng mga walang trabaho (Centri per l’impiego o dating lista del collocamento) ay walang bayad sa anumang medical check-up at mga gamot, tatanggap ng mga benepisyo tulad ng ‘disoccupazione’, sa pagkakaroon ng sapat na requirements, (gayun din ang mga invalidi civili) ngunit sa Pilipinas bilang Pilipino ay kailangang magbayad ng travel tax at terminal fee upang makalabas ng bansang Pilipinas at makabalik ng Italya at muling makahanap ng trabaho. Makatwiran ba ito???