Mayroong walong sintomas na sensyales nang posibleng pagkakaroon ng Omicron variant na hindi dapat ipagwalang bahala. Sa Italya, mayroong 2 milyong katao ang nahawahan ng Omicron variant, o maaaring higit pa. Paano malalaman kung nahawahan?
Walo ang pangunahing sintomas ng Omicron:
- namamagang lalamunan,
- pananakit ng ibabang bahagi ng likod,
- runny nose at congestion,
- sakit ng ulo,
- pagkapagod,
- pagbahing,
- pagpapawis sa gabi at
- pananakit ng kalamnan.
Noong una ang mga pangunahing sintomas na nauugnay sa Omicron ay pamamaga ng lalamunan, nasal congestion, tuyong ubo at pananakit ng likod. Sa ngayon, ayon sa mga dalubhasa ay tila nagbago o nadagdagan ang mga sintomas. Ang pinakabagong variant ay hindi na bago at ang iba’t ibang pananaliksik ay nagbigay ng mas malinaw na indikasyon. Kabilang sa mga bagong sintomas ay ang pagpapawis sa gabi.
Samantala, ang ilang lumang sintomas ay tila hindi na gaanong nakikita sa bagong variant. Kabilang dito ang pagkawala ng pang-amoy at panlasa na hindi na madalas iulat na nauugnay sa Omicron. Ang lagnat ay hindi na rin pangkaraniwan, ngunit ito ay nananatiling sintomas pa rin.
Ano ang iba pang sintomas?
Ang Omicron ay ang nangungunang variant sa buong mundo, ngunit tandaan na hindi isa lamang ang mga variants. Dahil dito ay kasama sa listahan ng mga sintomas ang pagtatae, pagkalito, kawalan ng gana sa pagkain, mga pantal at sore eyes ay ilan din sa mga sintomas ng Covid, na kinikilala din ng WHO. (PGA)