in

Paano ang pagbubukas ng Partita Iva o ng VAT?

Ako po ay isang tubero at sa ngayon ako ay nagta-trabaho bilang isang empleyado sa isang kumpanya. Gusto kong simulan ang aking sariling negosyo, ngunit ang sabi po ng marami ay dapat muna akong magbukas ng Partita Iva. Paano ko po ito gagawin?

altRoma – Pebrero 9, 2012 – Ang Partita Iva o VAT ay isang buwis, sa katunayan ito ay nangangahulugang Imposta sul Valore Aggiunto o Value Added Tax at inilalapat sa bawat hakbang ng produksyon, o pagbebenta ng mga kalakal at serbisyo. Ang bawat produkto o kalakal, sa panahon ng produksyon at ng pagbebenta nito, ay nagkakaroon ng isang halaga na idinadagdag sa halagang mayroong ito sa bawat hakbang, mula sa produksyon hanggang sa pagsapit ng konsumasyon nito.

Ang uri ng buwis na ito ay ipinatutupad sa higit sa 60 bansa.

Ang rate ng VAT (o ang porsyento na inilalapat upang makalkula ang halaga ng kalakal) ay mayroong iba’t-ibang halaga, dipende sa uri ng kalakal o serbisyo na basehan din maging ng pamahalaan. Sa Italya, ang normal na halaga ng buwis ay 21% na idinagdag sa halaga ng kalakal. Mayroon ding ilang mga uri ng kalakal at serbisyo kung saan ang porsyento ng VAT ay mas mababa. Kaya, sa ilang mga kaso ang rate ay maaaring 10% (hal para sa mga renovations) o 4% (sa pangunahing mga pagkain).

Ang Partita Iva o VAT

Ang sinuman na nagnanais na magkaroon ng anumang uri ng negosyo, o pagbebenta ng mga kalakal o serbisyo, ay nangangailangan ng aplikasyon ng VAT, na sa loob ng 30 araw mula sa pagbubukas ng negosyo, ay dapat humiling ng pagkakaroon o pagbubukas ng Partita Iva sa Agenzia dell’Entrate.

Sa pagtatalaga ng Partita Iva, ang aplikante ay bibigyan ng isang code ng 11 numero na tumutukoy sa taxpayer at ang aktibidad nito, ang tanggapan at isang number control.

Babala: ang pagbubukas ng Partita Iva ay hindi kinakailangan para sa mga kaswal na negosyo.

Ang anumang impormasyon ukol sa pagbubukas ng VAT ay maaaring matagpuan sa website ng ang Internal Revenue – www.agenziaentrate.gov.it o, maaari ring hilingin ito sa pamamagitan ng isang accountant o commercialista (pangunahing practitioner na magsasaayos ng mga accounting record ng mga indibidwal na sakop ng VAT).
 

Depende sa aktibidad, maging indibidwal o pagmamay-ari ng isang solong tao (sole trader) o bilang isang kumpanya, sa pagbubukas ng Partita Iva ay kailangang kumpletuhin ang dalawang magka-ibang forms.

Ang form AA9/10 para sa mga self-employment o mga sole trader

Ang form AA7/10 para sa mga entidad (kumpanya, organisasyon, asosasyon, atbp.)

Matatagpuan ang electronic file ng parehong modelo at mga tagubilin nito at maaaring i-download mula sa  website www.agenziaentrate.gov.it at sa website ng Ministri ng Ekonomiya at Pananalapi www.finanze.gov.it. Sa pamamagitan ng mga forms na ito ay maaaring ipahayag ang pagsisimula, mga pagbabago gayun din ang pagwawakas ng isang negosyo.

Paano isusumite ang mga forms

Tulad ng ipinapahiwatig ng Agenzia dell’Entrate, ang mga forms na ito ay maaaring isumite sa pamamgitan ng:

– dalawang kopya direkta (kahit na sa pamamagitan ng isang authorized person), sa anumang

tanggapan ng Agenzia dell’Entrate, kahit ang tanggapan ay hindi sumasakop sa tirahan ng taxpayer;

– isang kopya sa pamamagitan ng registered mail, lakip ang isang kopya ng isang dokumento ng taxpayer, at ipapadala sa anumang tanggapan ng Agenzia dell’Entrate, kahit ang tanggapan ay hindi sumasakop sa tirahan ng taxpayer. Sa ganitong kaso ay isinasaalang-alang na ang pahayag ay ginawa sa araw kung kailan ipinadala sa koreo;
 

– on line sa pamamagitan mismo ng taxpayer o sa pamamagitan ng mga pinagkatiwalaang ipadala ito on line. Sa ganitong kaso ay isinasaalang-alang na ang pahayag ay ginawa sa araw ng ganap na pagtanggap ng tanggapan ng Agenzia dell’Entrate ng mga forms.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Oo, kaibigan ika’y ngumiti

Foreigner, pwedeng mag-ampon ng Filipino citizen? Paano?