in

Sintomas ng Covid19? Narito kung paano magpapagaling sa bahay

paano magpapagaling sa bahay

Isang vademecum ang naglalaman ng isang gabay kung paano magpapagaling sa bahay ang mga nag-positibo sa coronavirus na may bahagyang sintomas lamang tulad ng lagnat, ubo, namamagang lalamunan at sakit ng kalamnan.

Ito ay inilahad ng Presidente ng Consiglio Superiore di Sanità, Franco Locatelli. Ito ay nagbibigay indikasyon kung paano aalagaan ang mga pasyente sa bahay at upang maiwasan ang higit na pagdami ng mga pasyente sa mga ospital. 

Paano magpapagaling sa bahay kung may sintomas ng Covid19?

  1. Una sa lahat ay mahalagang huwag pangunahan ang mga duktor o ang medico di base. Kung sakaling magkaroon ng sintomas ng Covid19, ang medico di base ang unang dapat tawagan upang malaman ang gamot na dapat inumin, kailan dapat inumin at pati ang dosage nito. Siya rin ang magsasabi kung ilang araw ang quarantine at sya ang magbibigay ng impegnativa para sa tampone o swab test
  2. Ipinapayo ang pag-inom ng paracetamol sa pagkakaroon ng lagnat na mas mataas sa 38.5 °
  3. Iwasan ang corticosteroids o cortisone (karaniwang ibinibigay sa mga pasyente na nahihirapang huminga); heparin (para sa mga pasyente na nahihirapan kumilos) antibiotics at ilang gamot, kung hindi payo ng duktor.
  4. Tandaan na ang pag-inom ng vitamin C, vitamin D at zinc ay maaari ring inumin, bagaman hindi pa scientifically proven na nakakatulong malabanan ang virus. 
  5. Kailangan ang pagkakaroon sa bahay ng dalawang mahalagang instrument at ugaliin ang palaging paggamit nito:
  • oximeter – medical instrument kung saan iniipit ang hintuturo at ginagamit upang subaybayan ang paghinga, partikular ang saturation ng oxygen. Tandaan na ang normal ay nasa 96-98%;
  • thermometer – ito ay ginagamit upang mabantayan ang body temperature.

Bukod sa mga nabanggit sa vademecum, ipinapayo ang pag-inom ng maraming tubig, pagkain ng masusuntansyang pagkain, pagtulog at pagpapahinga ng sapat. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Zona rossa at zona Arancione, nadagdagan ulit!

caregiver ako ay pilipino

Bakuna kontra Covid19, para din sa mga caregivers!