in

PDOS Ano ito?

Ang OWWA ay patuloy na nagnanais na maitaas ang kwalidad ng mga OFWs, upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga Filipino sa ibang bansa at upang maprotektahan ang kanilang mga sarili at gayun din mapakinabangan ng husto ang bunga ng kanilang sakripisyo dito.

Dahil dito ang PDOS ay isang obligadong seminar ng walong oras na dinadaluhan ng mga Ofws.

Ang seminar ay inumpisahan noong 1983 at bilang layunin nito, ay bigyang diin kung paano haharapin ang mga pagbabago o adjustment sa kultura, wika at bagong realidad na tatahakin lalong higit sa mga unang buwan ng pananatili dito.

PDOS

altAng PDOS ay ang Pre-Departure Orientation Seminar. Ito ay nagsisilbing ‘primer’ para sa mga Filipino na nagnanais magtrabaho sa ibang bansa. Ito ay nagbibigay ng mahahalagang impormasyon ukol sa employment ng bansang patutunguhan upang malaman bago pa man umalis ng Pilipinas kung anu-ano ang bagay na maaaring harapin na malaki ang maitututlong bilang paghahanda sa pakikipagsapalaran sa ibayong dagat.

Ang sinumang mayroong working visa at rehistrado sa POEA ay sasailalim sa seminar.

Ang mga turista gayunpaman, ay hindi kinakailangang sumailalim sa paghahandang ito

Sa seminar ay maaari ring matututunan ng mga OFWs ang mga simpleng bagay tulad ng paano sumakay sa eroplano at paano ang tamang pagkilos dito.

Bukod sa mga do’s and dont’s, ay matutunan din ng mga OFWs ang maaaring kahinatnan ng bawat pagkilos sa bansang patutunguhan.

Ang seminar ay nag-iiba base sa bansang pagta-trabahuhan. Ito ang magpapahintulot na maging handa sa anumang kakailanganing impormasyon sa pagkakataong walang mapagkukunan nito.

Ang seminar ay libre ngunit ang pagiging miyembro ng OWWA ay may kaukulang fee na $25.

Tatlong seminar sa maghapon ang ibinibigay ng OWWA.  

Ang mga Ofws ay maaaring tumawag sa hotline 891-7601 para sa availability ng seminar sa bansang patutunguhan. Ito ay isang first come first served basis.

Bagaman ang PDOS ay isinasagawa ng maraming organisasyon (291 OWWA-accredited PDOS provider) sa bansa, ang mga ito ay sumusunod sa module ng OWWA para sa partikular na destinasyon/ bansa.

Mga Memorandum Circulars (MCs) at Memorandum of Instructions (MOIs) na nagtalaga ng PDOS:

1. POEA MC No. 3, Series of 1983 – enabling policy that made PDOS a compulsory requirement for all departing OFWs.

2. POEA MC No. 2, Series of 1992 – authorizing accredited NGOs to conduct PDOS for Disadvantaged Contract Workers

3. POEA-OWWA Circular No. 04, Series of 2002 and Department Order No. 25-02 Series of 2002 – transferring PDOS from POEA to OWWA.

4. MOI No. 13, Series of 2003 – setting the Policies and Guidelines for Managing the Pre-Departure Orientation Seminar.

 Ang mga sumusunod na institusyon ay awtorisado sa pagsasagawa ng PDOS:

1.      OWWA – para sa mga manggagawang magtutungo ng Canada. Isinasagawa rin ng OWWA ang Comprehensive Pre-Departure Education Program (CPDEP) para sa mga Household Service Workers (HSWs) sa pakikipagtulungan ng mga NGOs.

2.      POEA – para sa mga government-placed at direct-hired contract workers

            3. OWWA Accredited PDOS Providers tulad ng

* Agency Associations – para sa mga skilled workers na miyembro ng kanilang ahensya.
* Recruitment agencies –sa mga sea-based o land-based, para sa kanilang mga skilled workers.
* NGOs – para sa mga  HSWs.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong amount ng maternity at family allowance sa taong 2012

Certificates, kailangan pa rin sa permit to stay at family reunification