Lingid sa kaalaman ng marami, sa domestic job ay mayroong permessi retribuiti o bayad na pagliban sa trabaho.
Sa domestic job, ang colf, babysitter o caregiver ay posibleng kailanganin ng panahon para sa medical check-up o para harapin ang ilang personal o family issues tulad ng pag-aayos ng permesso di soggiorno o pagpunta sa eskwelahan ng anak at iba pa. At ito ay nangangailangan ng pagliban sa trabaho ng worker. Ito ay ang tinatawag na ‘permessi retribuiti’ o may bayad na pagliban sa trabaho.
Ang mga oras ng ‘permessi retribuiti’ na maaaring magamit sa loob ng isang taon ay iba-iba sa bawat colf. Ito ay batay uri ng kontrata at oras ng trabaho. Narito ang halimbawa.
Samakatwid, may karapatan sa 16 na oras sa isang taon ang mga colf na naka live-in at 12 oras naman sa isang taon ang mga part-timer na ang oras ng trabaho ay higit sa 30 hrs weekly. Samantala, ang 12 oras na permessi ng mga pert-timer na mas mababa sa 30 hrs weekly ang trabaho ay kailangang hatiin ng proporsyon sa oras ng trabaho.
Sa anong mga kadahilanan maaaring hingin ang ‘permessi’
Ang domestic worker ay maaaring hingin ang ‘permessi’ sa employer para sa mga sumusunod na dahilan:
- Medical check-up
- Familiari o pampamilya
- Pagsilang ng isang anak
- Kasal
- Kasunduan sa pagitan ng employer at worker
Medical check-up
Ang mga domestic worker ay maaaring humingi ng ilang oras na permessi sa kasong may medical check-up sa oras ng trabaho. Paalala: Huwag kalimutang humingi ng medical certificate sa duktor bilang patunay.
Motivi familiari o pampamilya
Sa kaso ng pagkamatay ng miyembro ng pamilya hanggang second degree o miyembro ng pamilya na ‘convivente’ o kasama sa bahay, ang worker ay may karapatan sa hanggang maximum na 3 araw na leave na may bayad.
Pagsilang ng anak
Ang colf o badante, sa pagiging ama ay may karapatan hanggang maximum na 2 araw na leave na may bayad.
Kasal
Sa pagkakataong ikakasal ang colf, badante o caregiver, ay may karapatan sa hanggang maximum na 15 araw na leave na may bayad.
Kasunduan sa pagitan ng employer at worker
Bukod sa mga nabanggit ay posibleng magkaroon ng kasunduan ang employer at worker kung kinakailangan ng worker ng higit pang araw . Gayunpaman, ito ay giorni di permessi non retribuiti o hindi bayad na leave. (PGA)