in

Permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti, mga dapat malaman sa pag-aaplay

Permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti, mga dapat malaman sa pag-aaplay

Ang permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo periodo o EC long-term residence permit, na kilala din sa dating tawag na carta di soggiorno, ay ang uri ng dokumento na nagpapahintulot sa pananatili sa bansa ng dayuhan ng walang limitasyon sa panahon at hindi nangangailangan ng renewal ng dokumento, maliban sa kaso ng pagbawi sa dokumento.

Mga dapat malaman sa pag-aaplay ng Permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti

Upang magkaroon ng permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo periodo ay mayroong itinakdang mga requirements tulad ng minimum na haba ng panahon ng pananatili sa bansa, kita o sahod at kaalaman sa wikang Italyano

Ang pamantayan ay ang mga artikulo 9 at 9 bis ng Immigration law, mga artikulo 16 at 17 ng Implementing Regulation, D.P.R. 394/1999, pati na rin ang mga Direktiba 2003/109 / EC at 2011/51 / EU.

Bukod dito, isang Decree noong Enero 20, 2021 ang ipinagtibay para sa isang bagong modelo ng permesso UE sa pagkakaroon ng 10 taong validity nito, gayunpaman ang expiration nito ay tumutukoy lamang sa pisikal na dokumento at ang karapatan sa paninirahan sa Italya ay nanatiling walang limitasyon sa panahon. 

Basahin din: Ano ang pagbabago sa validity ng Permesso di Soggiorno UE?

Mga requirements sa pagkakaroon ng permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti 

1. Balidong permesso di soggiorno

Ang aplikante, sa panahon ng aplikasyon ay kailangang balido ang hawak na permesso di soggiorno. Ngunit hindi pinahihintulutan ang mga sumusunod na uri ng permesso di soggiorno: studio/ formazione professionale, per protezione speciale e casi speciali, calamità, cure mediche, di breve durata, richiesta asilo e il permesso diplomatico

2. Regular na paninirahan sa Italya na hindi bababa sa 5 taon 

Ang aplikante ay dapat patunayan ang limang taon ng regular na paninirahan. 

Para sa kalkulasyon ng 5 taon, isasaalang-alang ng Questura ang paglabas ng bansa na hindi dapat lalampas sa anim na buwang tuluy-tuloy o hanggang 10 buwan sa loob ng 5 taon (maliban na lamang sa mga dahilan tulad ng military obbligations, kalusugan o ibang malalang dahilan). 

Hindi kasama ang panandaliang pamamalagi sa bansa para sa turismo, halimbawa.

3. Sahod o kita

Ang aplikante ay kailangang patunayan ang pagkakaroon ng kabuuang kita mula sa legal na paraan, na katumbas o higit sa halaga ng assegno sociale na taun-taon ay nagkakaroon ng pagbabago. Para sa taong 2021, ang halaga nng assegno sociale ay € 5983,64.

Ang kita ay maaaring mapatunayan sa pamamagitan ng dichiarazione dei redditi, CUD o anumang patunay ng pagtanggap ng ibat ibang tulong pinansyal tulad ng assegno di invalidità. Gayunpaman, isinasaalang-alang din sa kalkulasyon ang reddito familiare o kabuuang kita ng pamilya na kasama sa bahay.

Basahin din: Required salary 2021 sa pag-aaplay ng Permesso CE Soggiornanti di lungo periodo

4. Antas A2 ng wikang Italyano

Kailangang patunayan ang kaalaman sa wikang italyano sa antas ng A2 ng European Framework of Reference sa pamamagitan ng italian language test na kailangang i-book online sa website ng Prefecture na kinasasakupan batay sa residency ng aplikante. 

Mayroong mga exempted sa test at hindi nila kinakailangang kumuha ng Italian language test. 

  • Dayuhang mayroong international protection status,
  • Dayuhang mas bata sa 14 na taong gulang,
  • Dayuhang mayroong matinding limitasyon sa pag-aaral ng wika (sertipikado ng public health authority) 
  • Dayuhan mayroong High School diploma,
  • Dayuhang may antas na A2 mula sa integration agreement o accord di integrazione na kinilala ng MIUE o MAE at mga Provincial Centers for Adult Education (CPA).

Basahin din: Italian language test para sa EC long term residence permit, ano ang procedure?

Mga karagdagang requirements kung mag-aaplay din ang miyembro ng pamilya ng permesso UE per lungo soggiornanti

Ang permesso UE per lungo soggiornanti ay maaari ring i-aplay para sa dependent o ‘a carico’ na miyembro ng pamilya 

  • Menor de edad, kahit anak ng asawa o illegitimate child. Ang mga menor de edad na inampon o nasa custody ay itinuturing na tunay na mga anak;
  • Mula 18 anyos na dependant o ‘a carico’ na anak dahil hindi kayang matugunan ang sariling pangangailangan  dahil sa kapansanan (100%);
  • Dependent na magulang;
  • Magulang higit sa 65 anyos.

Sa kaso ng aplikasyon para sa mga miyembro ng pamilya ay kinakailangan ang additonal income at patunay ang pagkakaroon ng angkop na tirahan.

Ang kita o sahod ng aplikante artikulo 29, talata 3 TU Immigrazione: 

  • Ay higit ng kalahati ng halaga  ng assegno sociale para sa bawat miyembro ng pamilya;
  • Sa pagkakaroon ng 2 o higit pan g anak na mas bata sa 14 anyos, ang required salary ay tataas ng doble ng halaga n

Basahin din: Required salary 2021 sa pag-aaplay ng Permesso CE Soggiornanti di lungo periodo

Angkop na tahanan: kinakailangan ang idoneità alloggiativa

Ang dokumentong ito ang nagpapatunay na ang tirahan ay angkop at maaaring tirahan. Mag-iisyu ang Ufficio Tecnico ng Comune o ASL ng positibong opinyon na nakatutugon sa kalusugan at kalinisan. 

Basahin din: Ano ang Idoneità Alloggiativa?

Ang certificate di idoneità alloggiativa ay hindi hinihingi sa mga mayroong international protection status. 

5-taong residency kahit mga miyembro ng pamliya 

Ayon sa susog noong 2014, matapos ang hatol ng Court of Justice (C-469/13 ng July 17, 2014), kahit ang mga miyembro ng pamilya ng aplikante ay kailangang patunayan din ang pagiging residente ng limang taon upang makapag-aplay ng permesso UE.

Basahin din: 5 taong regular na paninirahan sa bansa para sa EC long term residence permit, kailangan ba kahit ng menor de edad?

Mga hadlang sa pag-iisyu ng permesso UE per lungo soggiornanti

Hadlang sa pag-iisyu ng nabanggit na dokumento o kahit sa pagbawi sa naisyu nang dokumento ang pagkaka-aresto dahil sa isang krimen, kahit ang hatol ay hindi pa pinal (art.380 at 381), pati na rin ang mga malalang krimen tulad ng terorismo, ipinagbabawal na gamot, pagkakasangkot sa sindikato (mafia). 

Gayunpaman, ay ipinagbabawal ang automatism. Ito ay  nangangahulugang lamang na susuriin at babalansahin ng Questura ang pag-iisyu ng dokumento at dapat isaalang-alang din ang iba pang mga aspeto, tulad ng mga pamilya, integrasyon sa komunidad at sa trabaho, ang haba ng panahon ng pananatili sa Italya at ang pagkakaroon o kawalan ng mga miyembro ng pamilya sa sariling bansa.  

Pagsusumite ng aplikasyon

Ang aplikasyon ng permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti ay isinusumite sa pamamagitan ng kit postale.

Kailangang bayaran ang mga sumusunod:

  • Bollettino postale ng € 30,46 para sa printing ng dokumento;
  • Bollettino postale na € 100;
  • Marca da bollo € 16,00;
  • Bayad sa pagpapadala sa posta italiana € 30

Bukod sa mga nabanggit sa itaas, dapat ding ilakip sa aplikasyon ang mga sumusunod:

  • Kopya ng pasaporte; 
  • Kopya ng balidong normal na permesso di soggiorno;
  • Kopya ng codice fiscale;
  • Historical residence certificate o ang certificato storico di residenza
  • Certificato di casellario giudiziale e dei carichi pendenti;
  • Kopya ng Dichiarazione di ospitalità o Cessione fabbricato o ang kopya ng contratto di affitto registrato. 

ni: Avvocato Federica Merlo, para sa Stranieri in Italia

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 4]

Ako Ay Pilipino

Babalik sa Italya mula sa Pilipinas? Narito ang dapat gawin.

Ako Ay Pilipino

Italian green pass, ilulunsad sa kalahatian ng Mayo