Ginawang mas simple ang pamamaraan para sa access sa mga online service ng Inps, narito kung paano magkaroon ng pin.
Ang Pin ng INPS, ay isang personal secret code na nagpapahintulot maka-access sa electronic services ng Istituto Nazionale di Previdenza Sociale o Inps sa website nito. Layunin nitong mapakita, mapasuri at makapag-aplay ang mga mamamayan sa mga tulong o social benefits tulad ng pension, maternity at family allowance at marami pang iba.
Ang initial Pin code ay 16 na digits. Ang unang 8 digits ay ipinapadala sa pamamagitan ng text message, email o pec. Samantala, ang sumunod na 8 digits ay ipapadala naman sa pamamagitan ng koreo.
Sa unang access, ang 16 digits na pin ay papalitan ng 8 digits na lamang at ito ang gagamitin sa mga susunod na access.
Ang PIN ay maaaring i-aplay sa:
- tanggapan ng INPS
- online sa pamamagitan ng website ‘Richiesta pin’
- sa Contact Center sa pamamagitan ng pagtawag sa 803 164 mula landline at 06 16414 mula cellular phones.
Ang mga tanggapan ng Inps ay nagbibigay agad ng PIN dispositivo. Sagutan lamang ang angkop na form sa window at magpakita ng balidong dokumento. Samantala, ang PIN na natatanggap online o sa pamamagitan ng Contact center ay ordinario. Upang magamit ito sa pag-aaplay ng mga social benefits ay kailangang i-convert muna ito mula ordinario sa dispositivo.
Paano magkaroon ng unang bahagi ng Pin online
Upang magkaroon ng unang bahagi ng pin ay kailangang:
- Magpunta sa website ng Inps, pagkatapos ay magtungo sa Richiesta Pin Inps, Richiedi Pin;
- Pagkatapos ay ilagay ang codice fiscal o tax code at residenza;
- Matapos ang pagsusuri sa tax code ng sistema, ay ibibigay ang isang pahina kung saan isusulat ang personal datas tulad ng: Data di Nascita, Provincia e Comune di Nascita, Sesso; Residenza, Indirizzo e Cap, Comune e Provincia di Residenza;Telefono Abitazione, Cellulare, Indirizzo Email, Indirizzo PEC;
- Matapos ilagay ang mga kinakailangang datos, bilang kumpirmasyon ay makikitang nakasulat ang: “La sua richiesta è stata presa in carico, a breve riceverà la prima parte di PIN ad uno dei contatti da Lei specificato (mail o cellulare); la seconda parte le sarà spedito all’indirizzo di residenza comunicato“. “Ang aplikasyon ay aming natanggap, sa lalong madaling panahon ay matatanggap ang unang bahagi ng pin sa pamamagitan ng paraang inyong pinili (email o cellular phone); ang ikalawang bahagi ay matatanggap sa pamamagitan ng koreo sa address na inyong inilagay sa aplikasyon”.
Sa loob ng 48 oras matapos ang pag-aaplay, ang tanggapan ng Inps ay makikipag-ugnayan sa aplikante para sa kumpirmasyon ng mga datos. Pagkatapos ang Inps ay magpapatuloy sa pagpapadala ng ikalawang bahagi, sa pamamagitan ng koreo sa address na inilagay sa aplikasyon.
Pagtanggap ng ikawalang pin buhat sa Inps
- Ilagay ang tax code at expiration date ng tessera sanitaria at ang unang bahagi ng pin. Pagkatapos, “Avanti”
- Magbubukas ang bagong pahina kung saan makikita ang mga kasusulat lamang na datos. Sa seksyon ng contatti ay makikita ang mensaheng ito: “Al fine di richiedere di completare l’attivazione del PIN e comunicarLe la seconda parte dello stesso la preghiamo di indicare i suoi contatti:” Upang matapos ang activation ng pin at matanggap ang ikalawang bahagi nito, maglagay ng telephone number”.
- Maglagay kahit dalawang (2) paraan ng komunikasyon: cellular number at/o email, PEC, land line sa tirahan o telepono sa trabaho. Mahalagang dalawang contact ang ilagay sa kasong mawawala ang pin at kakailanganin ang awtomatikong paraan upang magkaroon nito.
- Pagkatapos ay makikitang nakasulat ang: “Il suo PIN è stato attivato. La seconda parte del PIN le è stata inviata via SMS sul suo cellulare” oppure via email o Pec se si è scelta questa opzione. Una volta in possesso del PIN completo, è possibile accedere ai servizi. Al primo accesso online ,è necessario seguire immediatamente e automaticamente la “procedura di variazione PIN“, che serve a generare un Pin personale ex novo per garantire la massima sicurezza dei dati. “Ang pin ay aktibo na. Ang ikalawang bahai ng pin ay ipinadala sa pamamagitan ng text message o email o pec. Pag natanggap ang pin ay may ganap na access na sa mga online services at maaaring gawin ang awtomatikong “varaiazione pin” na kinakailangan upang mapalitan ang hawak na pin para sa seguridad nito“.
PIN activation gamit ang Tessera Sanitaria
Sa sandaling matanggap ang ikalawang bahagi ng pin buhat sa koreo, upang maka-access sa online services ng Inps, ay kinakailangang sundin ang proseso para sa activation ng pin.
- Magpunta sa website ng Inps, magtungo sa “Gestisci il tuo Pin”;
- Kunin ang tessera sanitaria at magpunta sa “Attiva Pin”;
- Magbubukas ang pahina kung saan makikitang nakasulat ang: “Ora, per poter utilizzare i servizi attivi sul sito Inps – tra cui l’estratto conto previdenziale e il Cud previdenziale – prendi la tua tessera sanitaria e il tuo codice fiscale e segui le indicazioni qui di seguito, iniziando a compilare la maschera in questa pagina”. Importante: Per gli utenti che non dispongono la tessera Sanitaria è necessario contattare il Contact Center (803164). “Upang magamit ang online services, kunin ang tessera sanitaria o ang tax code at sundin ang sumusunod na mga indikasyon. Paalala: Tumawag sa 803164 kung walang tessera sanitaria”. (PGA)