in

Required salary 2023 para sa Ricongiungimento Familiare 

Required salary Ricongiungimento Familiare 2023 Ako Ay Pilipino
Required salary Ricongiungimento Familiare 2023 Ako Ay Pilipino

Taon taon ay nagkakaroon ng pagbabago sa salary requirement para sa pagproseso ng ricongiungimento familiare. Ito ay ang tinatawag na family reunification o ang proseso na pinahihintulutan ng batas na makasama ng dayuhang ang mga miyembro ng kanyang pamilya sa Italya kung saan siya ay naghahanapbuhay.

Ang aplikante ay dapat mapatunayan ang pagkakaroon ng mga kundisyon na itinalaga ng batas, partikular, ang pagkakaroon ng angkop at sapat na sahod para sa sariling pangangailangan at ng kanyang pamilya. Ito ay hindi dapat na mas mababa sa halaga ng social allowance o assegno sociale

Para sa taong 2023, ang monthly salary requirement ay € 503,27. At samakatwid, sa isang taon ay €6,542.51 (para sa labing tatlong buwang suweldo). At ang huling nabanggit ay dapat na dagdagan ng 50% para sa bawat miyembro ng pamilya na papupuntahin sa Italya.

Samakatwid:

  • €9813,76 para sa 1 miyembro ng pamilya kahit na wala pang 14;
  • €13.0858,02 para sa 2 miyembro ng pamilya;
  • €16.356,27 para sa 3 miyembro ng pamilya;
  • €19.627,53 para sa 4 na miyembro ng pamilya.

Upang mapatunayan ang kita o sahod ay kakailanganin ang angkop na dokumentasyon, partikular para sa mga colf sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Huling Tax Return, CUD o UNICO;
  • Comunicazione di assunzione sa INPS;
  • Huling 3 bollettini ng kontribusyon sa INPS;
  • Self-certification mula sa employer, sa form S3, ukol sa pagta-trabaho ng colf at ang monthly salary nito. Ang petsa ay hindi dapat lalampas ng isang buwan mula sa pagsusumite nito;
  • Kopya ng balidong ID na may lagda ng employer.

Basahin din: 

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 3]

CAS.SA.COLF, ano ito? Narito ang mga dapat malaman

Programma GOL, bakit obligado para sa mga tumatanggap ng Naspi at Reddito di Cittadinanza?