in

Sanatoria – prosesong dapat sundin

Alamin natin ang mangyayari matapos ipadala ang “domada”

 

Mula noong unang araw ng Oktubre 2009, ang “domande di emersione” ay ipinadala online sa mga competent offices (Sportelli Unici per l’Immigrazione at Questure) upang pag-aralan ang mga requirements na itinalaga ng batas.

 

Aalamin  ng Questura ang identity ng migrant worker kung may magiging hadlang sa issuance ng permesso di soggiorno. Upang mapasahan ang requirements ay ang mga sumusunod:

         ang isang dayuhan ay hindi dapat napauwi sa sariling bansa dahilan sa siya’y mapanganib sa kaligtasan ng lipunan o itinuturing na terorista;

         ang isang dayuhan ay hindi nabilanggo dahil sa crime na nakasaad sa art. 380 at 381 c.p.p. (halimbawa nito ay pandaraya, kidnapping, pagnanakaw, ecc.)

         Ang isang dayuhan ay hindi dapat “blocked listed” sa sistema informativo Schengen (SIS). 

 

Ang expulsion na may kinalaman sa paglabag sa batas ng paninirahan ay hindi sagabal sa application for regularization at ito’y hindi nakikitang problema kung ang mga dayuhan ay pinaalis sa Italya dahil sa kawalan ng permesso di soggiorno o may expired o hindi na-renew na permesso di soggiorno.

 

PAALALA:

Ang batayan ng Questura para tiyakin ang pangalan ng dayuhang manggagawa na naka-indicate sa application for regularization ay pangalan, apelyido, lugar at petsa ng kapanganakan, nasyunalidad, kasarian. Ang mga ito ay nakasulat ng tama sa pormularyong ipinadala online. Kung hindi naisulat ng tama, mahalaga na ipaalam ang maling impormasyon sa Sportello Unico Per L’Immigrazione na kung saan ay naninirahan at hilingin na itama ang nasulat na mali sa pamamagitan ng raccomandata A/R.

 

Kung walang nakitang problema sa katauhan ng dayuhan, magbibigay ng positibong opinyon ang Questura. Kung ang opinyon ng Questura ay negatibo, ang application for regularization ay marireject.

 

Sa oras na matanggap ang positibong opinyon, tatawagin ng Sportello Unico ang employer sa pamamagitan ng isang sulat na nagsasaad ng appointment at mga dokumento na dapat ipresenta.

 

Narito ang detalye na nilalaman ng sulat:

 

– Marca da bollo na ginamit sa application for regularization (kung ito ay nawawala, sumulat ng autocertification bilang patunay na nawawala at magsubmit ng na nagkakahalaga ng 14,62);

– documento d‘identità (identity card) ng employer at dalawang kopya nito (ang dayuhang employer ay dapat magpakita ng kopya ng carta di soggiorno o Permesso CE per soggiornanti di lungo periodo o ricevuta della richiesta);

– dalawang kopya ng valid passport

– kopya ng annual income tax declaration (modello Unico o modello 730)

– kopya ng medical certificate mula sa family doctor o ASL  (certificato del medico o dell’ASL), kung sa application for regularization, ang trabaho ng worker ay tagapag-alaga o badanti;

– original copy ng modello F24 na nagpapatunay ng kabayaran sa kontribusyong 500 Euro;

– original certificate of family composition ng employer

– original certificate of housing suitability (certificato d’idoneità alloggiativa) na makukuha sa Ufficio Tecnico ng Comune o Parere igienico-sanitario mula sa ASL na matatagpuan malapit sa inyong tirahan). Sakaling hindi pa naibibigay ang original nito, pwedeng ipakita pansamantala ang request slip ng nasabing sertipikasyon.

– kopya ng kontrata ng bahay na inuupahan o deklarasyon na nagpapatunay ng paninirahan sa pamamagitan ng cessione di fabbricato o contract of deeds (dalawang kopya ang kailangan).

 

Mga patunay na kailangan ayon sa batas

Bago pirmahan ang contratto di soggiorno (contract of employment), rirebisahin ng kawani ng Sportello Unico at direktor ng Direzione Provinciale del Lavoro (Head Department of Labor) ang mga requirements na isinumite ng employer upang siguraduhin na kompleto ang mga ito na tulad ng inaasahan ng batas, lalo’t higit ang:

         taunang kita ng employer para sa isang colf na ang minumum ay 20,000 euro kung mag-isa lamang siyang kumikita sa pamilya at 25,000 euro kung sa pamilya ay may dalawa o higit sa dalawang miyembro na naghahanapbuhay.  Tandaan: Kung ang isang employer ay kumikita ng higit sa 20,000 Euro, hindi na kailangang idagdag ang taunang kita ng kasambahay. Kailangan lamang ang joint income kung ang employer ay hindi umabot sa taunang income tulad sa nakasaad sa FAQ ng Ministero Interno n. 31.

 

         Ang sinumang nag-empleyo ng isa o dalawang badanti ay dapat na magpakita ng medical ceriticate na nanggaling sa family doctor o ASL. Kung mapatunayan nang employer na siya’y invalid, hindi na hihingin pa ang minimum annual income.

 

Maliban sa mahahalagang requirements na nabanggit, ibi-verify din ang bayad na kontribusyong 500 euro at housing suitability na kung saan ay naninirahan ang worker.

 

Firma contratto – Richiesta permesso soggiorno e assunzione lavoratore

Pagpirma sa kontrata – Request ng permesso di soggiorno at employment

Sa oras na makompleto ang requirements, ang employer at worker ay pipirma ng contract of employment (contratto di soggiorno), pagkatapos ay ibibigay sa worker ang modello 209 para sa request ng permesso di soggiorno na siyang ipapadala sa Questura sa pamamagitan ng kit postale.

Ipapadala ng worker ang kit sa Post Office (Ufficio Postale) na may Sportello Amico para sa request ng unang issuance ng permesso di soggiorno. Tandaan na ang marca da bollo na nagkakahalaga ng 14,62 euro ay dapat ikapit sa modello 209 at ilakip ang mga sumusunod na dokumento:  

 

– original modello 209 issued ng Sportello Unico per L’Immigrazione

– kopya ng lahat ng pahina ng passport;

– kopya ng contratto di soggiorno na pinirmahan sa Sportello Unico;

– kopya ng carta di identità ng employer (carta di soggiorno o permesso CE kung ang employer ay dayuhan);

– kopya ng codice fiscale na nanggling sa SUI

– payment slip ng 27,50 euro pera sa issunce ng permesso di soggiorno elettronico;

– halagang babayaran sa pagpapadala ng kit postale ay 30 euro.

 

Mapatos ipadala ang kit, ang opisyal ng post office at mag-iisyu sa worker ng ricevuta na patunay na siya’y nag-aplay ng permesso di soggiorno at ibibigay rin  ang appointment sa Questura para sa  fotosegnalamento. Ang mga post office sa buong ay Italya ay inatasan na magbigay ng appointment sa Questura para isumite ang picture at magfinger print.

                                 

Dapat ireport ng employer sa INPS ang kaniyang working relationship sa worker sa loob ng 24 oras sa pamamagitan ng form na Comunicazione Obbligatoria di Assunzione mula sa araw na pirmahan ang kontrata.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Katuparan ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas pinatunayan ng mga Pinoy sa Roma

Carl Vincent Ortega aloya, binansagang “Il Piccolo Drago” ng Umbria