in

Tourist Visa 2022: Ang mga dapat malaman sa pagpunta sa Italya para sa Turismo

Ang Tourist entry visa ay isang dokumento na nagpapahintulot sa mga non-Europeans tulad ng mga Pilipino, na makapasok sa bansang Italya at iba pang Schengen countries, para sa maikling panahon (hanggang maximum na 90 araw), para sa turismo.

Mga requirements ng Tourist visa 2022

Ang mga Pilipino na nais magkaroon ng tourist visa ay dapat magsumite ng mga sumusunod na dokumento sa Philippine Embassy sa Manila:

  • Application form
  • Balidong travel document (pasaporte);
  • Sapat na financial support tulad ng bank accounts, bank guarantee (fidejussione bancaria) or insurance guarantee (polizza fidejussion) as per Ministry of Interior Directive 1.3.2000, upang patunayan ang pagkakaroon ng sapat na halaga upang masuportahan ang mga gastusin sa buong panahon sa Italya;
  • Accomodation tulad ng tourist vouchers, hotel reservations, offer of hospitality;
  • Round trip ticket at itinerary;
  • Health insurance policy with minimum coverage of € 30,000 para sa anumang health expenses tulad ng emergency at hospital bills, pati na rin ang repatriation expenses. 

Bukod sa mga nabanggit ay kakailanganin din ang mga sumusunod: 

  • Certificate of Employment o Business registration;
  • Approved Leave of Absence;
  • Declaration of Annual Income;

Halagang kailangan sa aplikasyon ng tourist visa 

Sa pag-aaplay ng tourist visa sa Italya ay mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na finacial support para matustusan ang buong biyahe sa pamamagitan ng sariling bank account o bank account ng magulang sa kaso ng mga menor de edad at mga mag-aaral. 

Panahon ng pananatili1 katao 2 o higit katao 
1-5 araw fix amount € 269,60 € 212,81
6-10 araw kada araw bawat tao€ 44,93€ 26,33
11-20 araw fix amount + halaga kada araw bawat tao€ 51,64 + 
€ 36,67
€ 25,82 + 
€ 22,21
Higit sa 20 araw fix amount + halaga kada araw bawat tao€ 206,58 +
€ 27,89
€ 118,76 +
€ 17,04

Ang halaga ng Tourist visa 2022

Ang halaga ng tourist visa ay nag-iiba batay sa uri at edad ng aplikante:

  • VSU – Visto Schengen – € 80,00
  • VSU – Visto Schengen per minori (6-12 yrs old) – € 40,00
  • VSU – Visto Schengen per minori di 6 anni – libre
  • Visto per studio di lunga durata (higit sa 90 araw) – € 50,00
  • Visto nazionale (tipo D) – € 116,00 

Sakaling rejected ang visa application, ang ibinayad ng aplikante ay hindi maire-refund. 

Sa kasong ang dayuhan ay mayroong kaibigan o kamag-anak sa Italya, ang mga huling nabanggit ay maaaring gumawa ng tinatawag na lettera di invito

Basahin din: 

Lettera d’invito per turismo, ano ito?

Tourist visa sa Italya, maaari bang i-extend?

Para sa detalyadong impormasyon para sa Individual Tourism at Visiting Family/Friends, bisitahin ang official website ng Italian Embassy sa Manila. (PGA)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Walang bayad na Money Transfer App, inilunsad ng Sendwave para sa mga Filipino Overseas 

Ako Ay Pilipino

Re-entry visa: Sino ang dapat mag-aplay at kailan ito ibinibigay?