Inilunsad kamakailan ang isang mahalagang pagsusuri ukol sa pamumuhay ng mga Pilipino sa Italya; International migration and over-indebtedness: the case of Filipino workers in Italy. Ito ay naglalarawan, sa kabilang banda, ng uri ng mga mangungutang.
Roma – Marso 19, 2013 – Ang pag-aaral ay naghahayag sa isang natatagong katotohanan subalit isang mahalagang aspeto ng araw-araw na pamumuhay ng mga imigrante sa bansang Italya. Ito ay naglalarawan ng katotohanang hirap makapasok sa bank loans at bilang resulta, pagiging biktima ng pagkakabaon sa utang at pananamantala mula sa mga usurero.
Isang masusing pag-aaral at pagsisiyasat ang ginawa sa loob ng komunidad sa pangunguna ni Charito Basa at ni Sabrina Marchetti (sa Italya), ni Violeta De Guzman (sa Pilipinas), sa tulong ni Cecilia Tacoli buhat sa Institute for Environment and Development (IIED) ng London na naglalayong hanapan ng mga kasagutan at harapin ang suliraning ito sa makabagong panahon.
Sa Italya, maging ang Filipino Women’s Council, sa kanilang inulunsad na finacial literacy program para sa mga manggagawang Pilipino sa Italya, ay tinalakay ang tumitinding pangangailangan ukol sa problema ng pagkakabaon sa utang.
Ang mga pag-aaral ay batay sa mga datos ukol sa remittances buhat sa Italya. Binubuo ng 10 iba’t ibang panayam sa mga dalubhasa sa usura o utang gayun din ng mga bank services para sa mga migrante. Kabilang din ang 33 interviews at mga testimonies na kasalukuyang mayroong mga utang na ‘legal’ at hindi, sa mga pangunahing lungsod sa Italya tulad ng Rome, Firenze, Bologna at Turin kung saan nakuha ang mahahalagang aspeto (tulad ng halaga, panahon ng pagbabayad at iba pa..) na bumubuo sa 104 na pangunahing punto ng pag-aaral na ito.
Sa pag-aaral ay lumabas 3 mahahalagang uri ng mga mangungutang:
– flyers – o ang mga nagtagumpay o naabot ang kanilang mga hangarin sa pamamagitan ng pangungutang.
– fallen – o ang mga nangutang upang maka-ahon lang sa pang-araw-araw na ikabubuhay para sa sarili at sa pamilya, o tinatawag na lubog at hindi na maka-ahon sa utang.
– tightrope walkers – o ang mga “lumalakad sa lubid” na naghahangad maabot ang tagumpay ngunit bigo rin dahil sa kasalukuyang utang
Mula dito ay ipinapakita na ang pangungutang ay hindi maituturing na isang masamang elemento lamang: ang posibilidad na makapag-pundar dahil sa pangungutang, tulad ng karamihan sa mga domestic workers na Pilipino ay maaaring isang magandang pagkakataon para sa sarili at para sa pamilya.
Ngunit ano nga ba ang sanhi ng pagiging ‘fallen’ sa halip na ‘flyer’?
Ang mga “flyers”, ayon pa rin sa pag-aaral, ay ang mga nangungutang upang mapabuti ang kunsidyon sa buhay sa Italya o sa Pilipinas. Sila rin ang namumuhunan sa pagpapa-aral ng ilang miyembro ng pamilya tulad ng pamangkin o pinsan, o ang pamumuhunan upang maparating ang ilang miyembro ng pamilya sa Italya upang makapag-hanapbuhay. Ang mga flyers ay nangungutang, hindi para sa sariling pangangialangan kundi para sa ibang dahilan tulad ng pagbili ng lupa o pagsisimula ng maliit na negosyo upang turuan na rin ang mga mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas.
Samantala ang “fallen” ay nangungutang naman para sa pansamantalang pangangailangan lamang tulad ng regalo o upang bayaran ang nauna nang utang. Ngunit higit sa lahat ng bagay, ang mga biktima ay ang mga taong sinusustentuhan ang mga pamilya sa Pilipinas sa pang arawa araw na pamumuhay.
Ang panghuli ay ang itinuturing na pinaka nakaka-bahala. Sa kasalukuyang krisis sa ekonomiya, na sanhi ng pagtaas ng gastusin maging sa mga sariling bansa, kung saan nauugnay ang pagbabà sa halaga o value ng kita buhat sa ibang bansa, at para sa mga ofws ay hindi na sapat ang kanilang kinikita upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Kailangan na nilang mangutang upang maipadala at matugunan ang pang araw-araw na gastusin, bills, gamot at iba pa. Ang pag-aaral ay nagsasabing, kadalasan sa kabila ng pagiging aspeto ng pag-unlad ang remittance, sa likod nito ay natatago ang pagkakabaon sa utang ng mga ofws.
Ang isa pang mahalagang bahagi ng pananaliksik ay nagpakilala sa pinaka-karaniwang paraan ng pangungutang ng mga Pilipino sa Italya. Batay sa mga panayam, malaking bahagi ng mga Pilipino ang may utang sa mga financial institutions bagaman madalas ding humiram ng pera o 5/6 sa mga kakilala, sa mga kaibigan at sa mga employer.
Sa kabila ng mataas na interes, ang mga financial institutiona ay nagbibigay ng napakabilis na paraan sa pagbibigay ng utang. At ang kalupitan ng mga paraan ng mga ito sa paniningil ang karaniwang dahilan ng pakasira ng loob ng nakakarami.
Dahil dito, ang pag-aaral ay inaasahang makakatulong upang mapalawak pa ang pag-iisip ng mga kinauukulan at patuloy na pag-usapan ang bagay na ito at maiwasan ang pagkakabaon sa utang ng mga imigrante at upang magkaroon ng access sa isang higit na protektado at maka-taong paraan ng pangungutang.
Ang isang mahalagang mensahe ng pag-aaral na ito ay upang maituwid din ang kaisipan ng mga kababayang Pilipino kung talaga nga bang kailangan na mangutang o hindi; kung saan gagamitin ang perang inuutang; at kung ayon nga ba ito sa kanyang kakayahan na bayaran ang hiniram na pera para marating niya ang kanyang hangarin para sa kanyang sarili at para sa mga iniwang pamilya. (PG)