in

RE, ang Pinoy hip hop instructor

Si Romualtlo Emmanuel Salvador, kilala sa tawag na R.E., 22 yrs old. Bukod sa pagiging isang university student ay kasalukuyang hip hop instructor. Ipinanganak sa Italya at lumaki sa Trastevere, isang ‘Romano de Roma’, ika nga..

Kailan nagsimula ang iyong hilig sa pagsayaw?

Maliit pa lamang ako ay mahilig na akong sumayaw, hanggang sa nagfocus at nagsimula akong magconcentrate sa hiphop at the age of 16. Umattend ako ng maraming dance lessons sa iba’t ibang gym. Walong taon na rin sa ngayon ang aking pagsayaw.

Ang sayaw ba ay isang bagay na minana o isang bagay na natututunan?

Medyo mahirap na katanungan para sa akin ito… Sa totoo lang, mayroong mga taong mas nakakagaling o nakakaangat kaysa sa iba, ngunit ito ay hindi hadlang upang hindi magsumikap ang nagnanais na matutong sumayaw. Nakasalalay sa pagsusumikap ang lahat, at kaunting swerte na rin na makasalamuha ang mga tamang tao na susubaybay at magtutulak sa tamang pamamaraan.

altAnu-ano ang mga characteristics ng isang magaling na mananayaw?Paano nagiging isang instructor sa pagsayaw?

For sure, techniques, originality, good presence, flow, knowledge at support na rin ng publiko. Obviously, importante rin ang malalim na kaalaman ng iyong bawat hakbang at isang visibility sa media at mga contest.

Fortunately, tumataas ang level ng Italian hip hop kahit pa maraming natuto sa sariling pamamaraan, mga naging ‘grandmaster’ na hindi kaya ang magturo o humawak ng isang grupong susubaybayan, at minsan ito ay nagiging hadlang sa tuluyang paglago ng Italya sa sektor na ito. Ang humility ay ang malaking segreto sa paglago. Hindi sapat ang passion at hindi rin sapat ang pagiging magaling. Infact, hindi lahat ng magaling sa pagsayaw ay isang magaling na instructor.

Anu-ano ang mga sentiments na nagtutulak para magsayaw ang isang tao?

Sa aking pagsasayaw sa ngayon, ay tila nag-iiba ang aking pakiramdam, at ito ay nagiging isang emosyon. Noong una, para sa akin, ang pagsasayaw ay isang uri ng pagpapalabas sa ibang tao, pagpapakita ng aking kayang gawin. Sa ngayon, na realize ko na hindi ako dapat magsayaw para sa ibang tao o magpalabas, sa halip ito ay isang personal na bagay na nagtutulak sa akin upang unti unting humakbang at sumayaw ng hindi iintindihin ang maaaring sabihin ng makakapanood o makakakita sa akin.

Ang mga itinuturing na disappointments sa kategoryang ito?

Para sa akin ang ilan sa disappointments ay maaaring ang hindi pagka panalo sa isang mahalagang contest na malaki ang chance na  manalo. Marami na ring pangarap ang hindi ko naabot dahil dito.

Anu-ano ang mga expectations mo bilang instructor? Sinu-sino ang iyong mga tinuturuan?

Ang nag-iisang bagay na nais ko sa lahat ng papasok ng aking room ay ibigay ang lahat ng aking nalalaman at ito ay kanilang matutunan. Ang karamihan ng aking mga tinuturuan ay mga Italians, mula 8 hanggang 20 yrs old. Mayroon ding ilang dayuhan at dalawang Filipino, ang aking kapatid at ang aking pamangkin.

Maganda ang takbo ng aming relasyon sa klase. Marami pa silang dapat matutunan ngunit masasabi kong malayo ang kanilang mararating. Naipapa-abot ko sa kanila ang passion ko sa aking ginagawa at nakikita ko ang kanilang pagsusumikap. Natuturuan ko silang lumago gayun din sila sa akin.

altMayroon ka bang grupong kinabibilangan bilang isang hiphop dancer?

DSN Core Knowledge Posse aka Picchiadurerz Crew, ang panglan ng aking grupo. Mayroong iisang layunin; ang pagbutihin di lamang hip hop kundi pati ang rap at ang DJing. Kilala ang grupo sa bansa.  Maraming competitions ang aming sinalihan at pinalanunan. Nais naming ipakilala ang "the real hip hop".

Pangarap ng grupo ang magkaroon ng isang Quartier Generale o lugar na maaaring maging point of reference ng mga hiphop dancers sa Roma, bukas para sa lahat na nagnanais palalimin pa ang kaalaman sa pagsayaw, makasalamuha ng ibang hiphop dancers at sama samang lumago sa iisang layunin.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Santo Padre, nakiramay sa pagpanaw ni Cardinal Sanchez

Paano madadagdagan ang mga puntos sa integration agreement?