in

E-passport obligado na!

Ang mga Pilipino ay pinapayuhang mag-aplay ng e-Passport bago tuluyang mag-expire ang kanilang green o maroon passports, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Roma, Enero 8, 2014 – “Ang lahat ng Filipino nationals na nagtataglay ng Machine Readable-Ready Passports (MRRP; green passports) at Machine Readable Passports (MRP; maroon passports) ay hindi na papayagang mag-aplay ng passport extension para sa mga lumang klaseng passport na ito matapos ang 31 October 2014”, ayon sa pahayag ng DFA.

Ang e- Passport, na kulay maroon rin, ay sinimulang i-isyu noong 2010. Ito ay nagtataglay ng logo ng microchip sa cover nito, sa ilalim mismo ng salitang pasaporte (tingnan ang larawan).

“Ang lahat ng lumang klaseng pasaporto — gaya ng Green Passport (MRRP) at Maroon Passport na walang Microchip (MRP)— ay hindi na maaaring gamitin lampas ng 31 October 2015, paalala naman ng Embahada ng Pilipinas sa Italya.

Ang bagong e- Passport ay sumusunod sa mga pamantayan ng International Civil Aviation Organization ( ICAO ) .

Dagdag pa ng DFA, ang lahat ng non-machine readable passports ay tuluyan ng tatanggalin sa Nov 24, 2015.

“Para maiwasan ang anumang aberya sa pagbibyahe, pinaaalalahan ang lahat na magrenew na ng kanilang MRRP (green) o MRP (maroon) para magkaron na ng bagong e-Passport (Dark Maroon Passport na may Microchip), paalala pa ng Embahada ng Pilipinas sa Italya.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Colf, caregiver at babysitter. Deadline ng konribusyon sa Jan 10

Social card, aplikasyon simula Jan 20 sa Roma