in

Jan 11, deadline para sa mga ofws

Ang COMELEC Resolution No. 9578 ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga OAV voters na hindi nakaboto sa huling dalawang eleksyon upang magsumite ng kanilang intent to vote sa darating na May 2013 elections. January 11, 2013 ang itinakdang petsa bilang deadline.

Ito diumano ay isang simpleng komunikasyon sa COMELEC ng pagnanasa sa kanilang karapatang bumoto sa 2013, ayon kay Comelec spokesman James Jimenez. Ito diumano ay kinakailangan upang hindi mabura sa record o listahan ng national registry of OAV ang mga dating rehistrado at upang maging karapat-dapat bumoto sa susunod na eleksyon.

Ang mga Ofws ay kinakailangan lamang ang magsumite ng manifestation of intent to vote na mayroong angkop na form sa Embahada ng Pilipinas. Kinakailangang ihanda ang kanilang identification at ang kanilang pasaporte.

Ipinaliwanag rin na itinakda ang deadline upang i-update ang nasabing listahan at tanggalin ang mga inactive voters na tinatayang aabot sa 240,000.

Ang listahan ng mga OAV voters na hindi nakaboto sa nakaraang dalawang eleksyon ay maaaring matagpuan sa websites:

http://www.comelec.gov.ph/oav/uploads/pdf/oav_lists/FailedToVoteTwice.pdf

http://dfa-oavs.gov.ph/images/pdf/failedtovote.pdf

Samantala, kahit kinapos ng halos 12,000 para maabot ang 1M target ng mga registered overseas voters para sa 2013 elections, ay hindi na masama ang pinakamalaking resulta ng 988,384 voters kumpara sa nakaraan: 2004 election – 364,187 new voters, 2007 election – 143,236 new voters, 2010 election – 235, 950 new voters.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Populasyon ng mga Pilipino sa Italya 2011

2 Pinoy inaresto sa Bologna dahil sa shabu