in

Pilipinong nagpapautang sa kapwa Pilipino, 10 arestado

Maraming ginawang raid, maging sa bahay ng mga employer sa 'Roma bene' kung saan ang mga suspect ay nagta-trabaho bilang colf. Hanggang 80% na tubo na naglalagay sa kapwa Pilipino sa miserableng sitwasyon. Anim na lalaki at apat na Pinay, mga arestado.

Roma, Mayo 7, 2013 – Ayon sa mga report ngayong araw na ito, ay inisyuhan ng warrant of arrest ang 10 mga Pilipinong nagpapautang o mas kilala sa pagbibigay ng ‘5/6’, ng Hukom ng Roma. Ito ay kaugnay sa isinampang kasong usura, estorsione ed esercizio abusivo di attività finanziaria (pangigipit, pananakot sa paniningil at iligal na pagpapatakbo ng pinansyal na aktibidad).

Sampu ang sumailalim sa mga imbestigasyon at raid, maging ang tahanan ng mga employer sa ‘Roma bene’ kung saan naglilingkod ang mga suspect bilang colf. Ang mga inaresto ay nagpapautang sa mataas na interes hanggang 80% per annum sa mga kababayang nagigipit sa pera.

Tinatayang 100 ang biktima ng mga nagpapautang ayon sa ginawang imbestigasyon ng mga militar ng Compagnia Roma Casilina, na nahirapan dahil sa pananahimik ng mga naging biktimang kababayan.

Sundan: "Karamihan ng mga Pilipino sa Italya, mayroong utang", ayon sa isang pag-aaral

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Citizenship at karapatang bumoto, dapat harapin sa Parliyamento

Dichiarazione dei redditi. Paano gawin ito?