Ang Colomba Pasquale ay tumutukoy sa Easter Cake at tanyag sa bansa tuwing sasapit ang Pasqua.
Mayroong dalawang uri ng easter cake na unang gumamit ng salitang ‘colomba pasquale’:
1) ang palummeddi o pastifuorti, ang tradisyunal na colomba pasquale na laganap sa Sicily.
2) ang colomba na unang ginawa sa Lombardia ng Motta taong 1930 at syang lumaganap naman sa buong Italya.
Ang parehong esater cake ay opisyal na kinilala ng prodotti agroalimentari tradizionali italiani o P.A.T. ng Ministry of Agricultural, Food and Forestry Policies.