in

Ano at Paano nga ba nagsimula ang Santacruzan?

Panahon ng mga kastila ng sinimulang ipagdiwang ng mga Pilipino ang Santacruzan.

Ginaganap ito kapag buwan ng Mayo, kung saan ay naghahanda ng masasarap na pagkain ang napiling Hermana. Nagpru-prusisyon habang nagdarasal ng banal na Rosaryo ang taong bayan. Ang mga dalaga o Sagala ay may mga iba’t-ibang titulo at magagandang kasuotan kasama nila sa magagarang arko ang kanilang mga konsorte.

Ang Reyna Elena ang nasa pinaka- huling parte ng prusisyon at sumunod  ay ang imahe ng Mahal na Birheng Maria na inaalayan ng mga bulaklak. Tinatawag din itong Flores de Mayo.

Kasaysayan: 

Ginugunita sa Santacruzan ang pagkatagpo ni Santa Helena, ina ni Constantine the Great sa krus ng ating Panginoong Hesus. Tatlong Daang Taon (300) makalipas ang kamatayan ng ating Panginoong  ng magpunta si Santa Helena sa bundok ng kalbaryo kasama ang isang maysakit. Nang Matagpuan nila ang tatlong krus ay kaagad niyang pinahiga ang taong maysakit sa mga ito. Tunay na siya’y gumaling ng madantayan niya ang isa sa tatlong krus na pinaniniwalaang sa Panginoong Hesukristo.

Ang Santacruzan ay alay din ng mga deboto bilang parangal at pag-alala sa ating Mahal na Inang Birheng Maria sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng iba’t-ibang titulo bilang Kalinis-linisan at Kabanal-banalang Ina ng Diyos. Siya ay inaalayan ng mga bulaklak sa kanyang taglay na ningning at angking kagandahan.

Malayo man sa bansang sinilangan ay patuloy paring naisusulong ang kultura at tradisyon na kinaugalian. Isang bayang taglay ang malalim na pagmamahal sa Panginoon, nasa kabila ng lungkot at hirap ng pagkawalay sa mga minamahal sa Pilipinas ay laging handang tumulong sa kapwa na may pusong mapagkumbaba at mga ngiting laging may dalang pag-asa.

 

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 2.8]

Mga Dapat Malaman Tungkol sa Liver Cirrhosis

Santacruzan sa Reggio Calabria, idinaos