60% ng mga Italians ay madalas kumain sa mga ethnic fast foods!
Kebabs, springrolls, tacos at sushi mga pagkaing napaka popular ngayon sa Italya; ang tinatawag na fast ethnic food ay nagpasok ng “Istat basket” isang listahan ng mga gastusin ng mga pamilya.
Ang Basket ay binubuo ng halos 1,400 produkto at serbisyo. Batay sa kanilang mga average price, na binabantayan ng National Institute of Statistics, ay kinakalkola ang antas ng pamumuhay at lahat ng nauukol dito, gaya ng inflation at adjustment ng suweldo. Ang listahan ay nagbabago sa paglipas ng taon at ito rin ay isang paraan upang masubaybayan ang mga pagbabago sa lipunan.
Sa isang survey kamakailan ng Coldiretti, isang samahan ng mga magsasaka, ay nagpapakita na ang animnapung porsiyento ng Italians ay madalas na kumakain sa mga restawran at mga fast food na naghahain ng ethnic foods at nangunguna sa mga lugar na ito ang nagse-serve ng kebab. Nananatiling isang malaking proporsyon pa rin ang mga walang tiwala at naniniwalang ang ethnic foods ay mababa ang kalidad o hindi sumusunod sa lahat ng pamantayan sa kaligtasan ng pagkain.