Kasalukuyang boom na boom at marami ang nahihikayat, nage-enjoy at sumasali sa #faceappchallenge sa pamamagitan ng pagpo-post ng kani-kanilang larawang tumanda sa social network.
Sinimulan noong 2017, ang Faceapp ay nagpapahintulot na tumanda o bumata ang mukha. At sa kasalukuyan ito ang nangungunang downloaded app sa social network at pati ang mga matutunog na pangalan ng mga celebreties ay gumamit nito.
Samantala, marami rin ang nababahala sa posibleng masamang epekto sa privacy at ang nagtatanong kung napangangalagaan ba ng Faceapp ang kanyang mga users.
Ang base ng Faceapp ay nasa USA at ito ay pag-aari ng Wireless Lab, na nakabase naman sa St. Petersburg, Russia.
Samakatwid kapag nag selfie gamit ang Faceapp, ang picture ay mapupunta sa server ng kumpanya at ito ay gumagamit ng mga neural network upang ma-modify ang mga pictures. Kaugnay nito, marami rin ang nakapansin na ang app ay hindi gumagana kung walang data connection. Ito umano ay pinaghihinalaang isang indikasyon na nakakakuha ang app ng mga pictures na walang kamalayan ang mga users. Sa katunayan, mababasa sa privacy policy ng app, na ang mga datos ay “maaaring i-file at gamitin sa USA o sa ibang bansa kung saan ang Faceapp, at ang mga Affiliate nito ay mayroong tanggapan“.
Mabilis naman ang naging tugon ng kumpanya.
Sa pamamagitan ng isang official communication ay sinabing ang napili lamang na photo ang mapupunta sa cloud, at ito ay isang obligadong hakbang. Karamihan ng mga pictures ay natatanggal sa loob ng 48 oras matapos itong i-upload. At kahit na ang developers ay nasa Russia, ang Faceapp ay gumagamit ng AWS at Google Cloud bilang mga platform para sa cloud.
Bukod dito, ayon pa sa communication, ayposible ring hilingin na tanggalin ang mga personal datas sa app.
Magpunta sa Settings> Suporta>Report a bug gamit ang salitang “privacy” sa subject nito.
Binigyang-diin ng Faceapp na pinapahusay pa ito dahil 99% ng mga taong gumagamit ng app ay hindi narerehistro, sa katunayan ang app ay hindi maaaring magkaroon ng access sa personal datas ng users. Gayunpaman, ang kumpanya ay nagpahayag na hindi ibebenta o ibabahagi ang mga impormasyon ng mga users kahit kanino.