Rome – Enero 23, 2013 – Ito ay tinatawag na “Hikikomori syndrome” at apektado ang halos 240,000 kabataan sa Italya. Narito kung paano makikilala ang web addiction ayon sa Fnomceo – Federazione Nazionale degli Ordini dei Medici Chirurgici e dei Odontoiatri.
Mula sa website ng FNOMCEO ay inilathala ang ukol sa web addiction at ayon pa dito, ay parami ng parami ang mga kabataang nalululong dito sa pagitan ng edad na 11 at 16.
Mga kabataang karaniwang nabubuhay dahil sa internet, limitado ang real life maging ang social life, maliban na lamang sa mga oras na ginugugol sa loob ng paaralan. Ito ay isang web addiction at mayroong pangalan buhat sa mga eksperto ang “Hikikomori syndrome”.
Isang japanese word na naglalarawan ng isang kaganapan sa Japan, nagsimula noong kalahatian ng 80’s at tumutukoy sa isang trend ng mga kabataang manatiling mag-isa at malayo sa grupo at karamihan, namumuhay kasama ang computer, internet at virtual games. At bunga ng lahat ng ito ay ang pagiging isolated sa nakakarami at karaniwang hindi nakikilala ang mga biktima nito dahil hindi apektado ang pag-aaral.
Ang web addiction ay maaaring kilalanin bilang isang tunay na sakit o karamdaman na kumakalat sa kasalukuyan sa bansang Italya, halos 240,000 ang mga kabataang biktima. Ngunit paano nga ba makikilala ang sakit an ito? Anu-ano ang senyales ng pagtama nito sa ating mga anak o kapatid? Ganito sinagot ng mga eksperto ang katanungan:
Ang syndrome ay mayroong partikular na katangian: ang biktima ay karaniwang maaayos ang pag-aaral at matataas ang grades ngunit walang kaibigan kundi ang playstation, computer at internet. Umaabot mula 10 hanggang 12 oras araw-araw sa kanilang virtual life.
Sa kasamaang palad, hindi pa nababahala ang mga institusyon tungkol dito ngunit ang social realities na kanilang tinutukoy ay kabilang ang karamdamang ito na lumalawak clinically araw-araw.