in

“Peaceful at amicable way through dialogue”, panawagan ng UN leader

Mapayapang solusyon ang panawagan ng UN leader sa mga bansang China at mga bansa sa Asya.

Rome – Enero 23, 2013 – Isang mapayapang solusyon ang naging panawagan ni UN leader Ban Ki-moon kahapon Martes sa bansang China at Pilipinas at iba pang mga bansa sa Asya, ukol sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea.

Sinusubaybayan diumano ng UN leader ang pag-aagawan ng China, Pilipinas, Brunei, Malaysia, Vietnam at Taiwan sa ilang mga teritoryo sa South China Sea.

"It is important for those countries in the region to resolve all these issues through dialogue in a peaceful and amicable way," ayon sa UN leader.

Handa din diumano ang United Nations sa pagbibigay ng technical and professional assistance, ngunit ang alitan ay unang dapat resolbahan ng mga nabanggit na bansa.

Kahapon ay inanunsyo ng gobyerno ng Pilipinas na hihilingin sa isang arbitration panel sa ilalim ng UN Convention on the Law of the Sea, ang 1982 treaty na pinirmahan ng dalawang bansa.

Dalawang taon na ring inirereklamo ng Pilipinas at Vietnam ang pag-angkin ng China sa ilang lugar na pinaniniwalaang mayaman sa langis at natural gas reserves.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kalusugan. Sino ang mayroong ticket exemption?

Kabataang web addicts, patuloy ang pagdami