in

Kris Aquino, tinanggap ang alok ng UNHCR

altKinumpirma ng actress/TV host si Kris Aquino na malabo na munang tumakbo sa anumang posisyon sa 2013 elections. Ito ay matapos niyang tanggapin ang alok ng United Nations High Commissioner on Refugees’ (UNHCR) bilang “honorary patron.”

Sinabi ni Kris na bahagi ng kasunduan sa pagtanggap niya sa bagong tungkulin ay ang hindi niya pagkuha ng anumang posisyon sa gobyerno.

Samantala, ang pagtanggap ni Kris sa tangkulin bilang “honorary patron” ng UNHRC ay unang bahagi lamang sa proseso para maging Ambassador of Goodwill katulad ng Hollywood star na si Angelina Jolie. Ayon pa dito: “I’m in excellent company. Angelina Jolie is the UNHCR Goodwill Ambassador. I’m honorary patron together w/ Luol Deng of the Chicago Bulls, Khaled Hosseini author of A Thousand Splendid Suns & Kite Runner & Yao Chen from China, super pretty actress & their twitter queen w/ 13 million followers.”

May pagkakatulad diumano sila ni Luol Deng at Khaled Hosseini, dahil ang kanilang mga pamilya ay minsan ding nakinabang at nabigyan kalayaan sa pamamagitan ng political asylum.

Gayunman, ramdam ang excitement ni Kris na gampanan ang tungkuling tinanggap mula sa UNHCR.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pilipinas, nagpasalamat sa Italya sa pagsagip sa 25 seamen

FAO World Food Day Mobilization