in

Mga dapat gawin kung biktima ng diskriminasyon o rasismo

 

 
Civil Action 
 
Ang sinumang biktima ng diskriminasyon, ng pribado o ng publikong tanggapan ay maaaring lumapit sa ordinary court upang hilingin ang kaukulang aksyon laban sa naging pag-uugali ng rasismo at wakasan ang anumang epekto nito.  
 
Ang biktima ng diskriminasyon ay maaaring mag-reklamo ng personal o sa pamamagitan ng isang abogado o ng isang asosasyon, sa registry ng Civil Court ng lungsod kung saan naninirahan. Sa tulong ng mga ebidensya na batayan ng reklamo ay maaari ring ilahad ang mga statistical datas na maaaring gawing basihan sa ganap na pagkakaroon ng kilos, pag-uugali o kasunduan ng diskriminasyon (hal: hiring, contribution scheme, pagbabahagi ng mga tungkulin at mga kwalipikasyon, paglilipat, layoffs, atbp. buhat sa kumpanya). Ang Akusado, (ang taong kumilos ng may diskriminasyon) pagkatapos, ay kinakailangang patunayan na walang anumang kilos, aksyon o kasunduan ng diskriminasyon. 

 
Ang hukom, matapos mapatunayan ang pagkakaroon ng diskriminasyon, ay tatanggapin ang reklamo at ipag-uutos na tapusin ang aksyon ng diskriminasyon at wakasan ang anumang epekto nito.  
 
Maaari ring mahatulan ang akusado na magbayad ng danyos sa naging pinsala nito, kabilang ang mga walang kinalaman sa salapi Ang hukuman ay maaaring ring magpalabas ng publikasyon ng hatol, sa isang pambansang pahayagan ng isang beses na gagastusan ng akusado. 
 
Sa kaso na ang hinatulan ay mga employer na nakatanggap ng tulong pinansyal buhat sa Estado at Rehiyon o maaaring nakatanggap ng mga kontrata para sa pagpapatupad ng pampublikong tanggapan, mga serbisyo o supply, ang hukuman ay ipapaalam ang naging hatol sa mga awtoridad sa nagbigay ng kontrata. 
 
Ang mga benepisyo samakatuwid, ay maaaring matanggal at sa mga mabibigat na kaso ng diskriminasyon, ay maaaring matanggal ng dalawang taon ang head nito sa anumang uri ng  benepisyo (pinansyal o credit) o anumang kontrata (appalto). 
 
Kung walang mag-aapela sa loob ng 30 araw, ang ginawang hatol ay magiging pinal.
 
Penal action
 
Bukod sa karapatang hilingin na wakasan ang pag-uugali, ay maaari ring maghain ng demanda sa Criminal Court ng lugar kung saan nangyari ang kaganapan, kung saan maaaring hilingin ang arestuhin ang taong may kasalanan. 
 
Sa kaso ring ito, ang hukuman, pagkatapos mapatunayan ang responsibilidad ng taong may sala, ay maaaring pagbayarin ng materyal at moral na pinsala sa mga biktima ng diskriminasyon kung saan tatayo bilang parteng sibil sa paglilitis.
 
Ang hukom, bilang karagdagan ay maaaring magbigay ng karagdagan parusa, kabilang ang mga partikular na obligasyon para sa salarin.
 
Ang may sala ay maaari ring obligahang magbigay serbisyo ng walang bayad para sa komunidad para sa mga pampublikong layunin; i-suspinde ang lisensya sa pagmamaneho, pasaporte at balidong dokumento para sa paglalakbay sa ibang bansa para sa panahong hindi lalampas sa isang taon at maaaring pagbawalan sa partesipasyon sa local at political election. 
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

RASISMO – Kilalanin at labanan

Gabay sa Edukasyon sa Italya