Rome, Enero 10, 2013 – Kumita ng P767.8 milyon ang 38th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ito ay yon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa pagsasara ng nasabing festival.
Nanguna ang "Sisterakas" na umabot ng P342 milyon ang kita. Maging ang biggest opening day earnings for a local movie (P39 milyon) at highest box-office sales for local film ay tinalo nito.
Pang-apat ang comedy film sa all-time Philippine total ticket sales matapos ang "The Avengers", "Spiderman 3", at "Transformers".
Sinundan naman ng "One More Try" sa kitang P170.5 million, ng "Si Agimat, Si Enteng, at Si Ako" (P133.5 milyon) at "Shake, Rattle, and Roll 14" (P45.3 million) na sinundan ng "El Presidente", "The Strangers" , "Sosy Problems", at "Thy Womb".
Mapupunta ang kita, na tumaas ng 21% kumpara noong 2011, sa mga beneficiaries tulad ng Mowelfund, Film Academy of the Philippines, Motion Picture Anti-Film Piracy Council, Optical Media Board, at Film Development Council of the Philippines. Mapupunta rin ang ilang bahagi ng kinita sa mga biktima ng Bagyong Pablo sa Compostela Valley at Davao Oriental.