Ang paglalagay ng mga 12 bilog na prutas sa hapag kailanan sa Bagong Taon ay pinaniniwalaang magdadala ng tiyak na swerte sa 12 buwan ng taon.
Habang ang 2018 ay malapit nang matapos, ang 2019 naman ay papalapit na ng palapit.
Kasabay nito ay mga katanungan kung ano ang mga bagay na maaaring magbago sa kapalaran at magdala ng suwerte sa darating na taon.
Ang tradisyon ng pagkakaroon ng 12 masuwerteng prutas ay naging bahagi ng sambayang Pilipino simula pa noong una.
Ayon sa isang dalubhasang feng shui, mayroong 12 masuwerteng prutas para sa Bagong Taon. Ang pagkakaroon ng mga prutas sa Bagong Taon ay magbibigay umano ng kasaganaan at magandang kapalaran.
Batay sa ulat ng Remate, ang hugis na bilog ay sumisimbolo sa mga barya habang ang bilang na 12 ay sumisimbolo sa mga buwan ng taon.
Iminungkahi ng feng shui ang 12 masuwerteng prutas para sa mas masaganang Bagong Taon.
- Apple – sa Chinese, ang salitang apple ay “ping” na nangangahulugan ng “pagkakasundo”
- Avocado – ang mga kulay ng prutas, berde at kulay-ube, ay sumasagisag sa kasaganaan
- Banana – ang prutas na ito ay sumasagisag sa pagkakaisa habang ang dilaw na kulay ay kumakatawan naman sa kaligayahan.
- Grapes – dahil ang prutas na ito ay madalas na kinakain ng mga royal blood, ito ay sumasagisag sa kayamanan
- Lemon – ang likas na amoy nito at lasa ay kilalang nagtataboy sa mga bad vibes
- Lychees – ang pulang kulay ay sumisimbolo sa kaligayahan at magandang kapalaran
- Mango – ang tamis ng prutas na ito ay kumakatawan sa matatag na relasyon ng pamilya
- Orange – ayon sa tradisyon ng mga Chinese, ang kulay nito simbolo ng ginto habang ang hugis na bilog nito ay pera
- Papaya – tulad ng orange, ito rin ay kumakatawan sa ginto sa tradisyon ng mga Chinese
- Pineapple – Ang salitang Chinese para sa pinya ay “ong-lai” na nangangahulugan ng kapalaran
- Pomelo – ang kulay pula o rosas nito ay nagsisimbolo sa magandang kalusugan
- Pakwan – ang prutas at mga buto nito ay sumasagisag sa kasaganaan