Isang pag-aaral ang ginawa ng Coldiretti e Ixé, kung tama bang i-report sa awtoridad ang ‘assembramento’. Para sa 72% ng populasyon sa bansa ay naniniwalang tama ito, kahit sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Samakatwid, ang pag-oorganisa ng lunch o kahit dinner na higit sa 2 katao ang imbitado ay isang panganib. At ang denuncia ay maaaring manggaling mismo sa mga sariling kapitbahay.
Paraan ng pagre-report ng assembramento
Ang assembramento o ang pagsasama-sama ng higit katao ay bawal pa rin hanggang sa kasalukuyan. Sa indoor o ourdoor, pati na rin ang anumang uri ng party.
Narito kung paano at kanino dapat i-report ang assembramento
- Tumawag sa alagad ng batas (Polizia di Stato, Carabinieri,Guardia di Finanza, Polizia Municipale).
- Ipaliwanag ang mga kaganapan at
- Hilingin ang aksyon ng awtoridad.
Pagkatawag ay magpupunta ang ‘pattuglia’ o patrol sa lugar na inireport. Sa puntong ito, ang alagad ng batas na ang mag-iimbestiga at magpapahinto sa paglabag, kung mayroon man. Kasama na dito ang hindi pagsunod sa social distance at ang hindi pagsusuot ng mask, kung ito ay kinakailangan. Ang pagmumulta mula € 400 hanggang € 1000 bawat katao ay nasa kamay rin ng awtoridad.
Kakailanganin ang mga sumusunod na detalye
- Pangalan at apelyido;
- Lugar kung saan ang ‘assembramento’ o ibang paglabag batay sa mga batas na ipinatutupad;
- Ilang tao ang sangkot at ang uri ng assembramento.
Madalang na ang denuncia ay ginagawa ng anonymous. Ito ay nangangahulugan na ang sinumang magde-denuncia ay kailangang ibigay ang pangalan. Ang hindi pagbibigay ng pangalan ay marahil maging sanhi ng hindi pagbibigay konsiderasyon sa denuncia o report.
Bukod sa nabanggit, ay maaaring gawin online ang pagre-report ng assembramento sa pamamagitan ng website ng mga institusyon. Sa ilang lugar ay mayroong online form para gawin ang report ng assembramento. Samantala, sa ibang lugar naman tulad ng Roma at Piacenza, ay mayroong App.
Basahin din:
- Decreto Natale: Maaari bang bisitahin ang kamag-anak o kaibigan?
- Decreto Natale, multa hanggang € 1,000 sa sinumang lalabag