ANG NAKARAAN : Walang nagawa si Sam kundi ang sumunod sa gusto ng kanyang Tiyo Narding na kapatid ng kanyang ina. Samantala, sa Italya ay hindi mapatid ang tuwa ya ni Mon. Abot-abot ang kanyang pananabik sa pinaka-hihintay na magandang balita mula sa Pilipinas. Kahit abala sa maraming trabaho ay nagawa pa rin niyang sagutin ang hindi inaasahang tawag mula sa Pilipinas.
“Talaga na sa akin na ang pangangalaga kay Sam? Si Diana, kamusta na siya?”, tarantang tanong ni Mon.
“W-wala siya! Sinadyang itinago ang anak mong si Diana!”, malungkot na sagot naman ni Amy.
“Hayaan mo na muna, ang mahalaga nasa atin na si Sam. Sa susunod na mga araw na lang natin kukunin si Diana sa poder ng kanyang ina”, ang naging pansamantalang desisyon ni Mon.
Matapos maputol ang linya, bakas sa mukha ni Mon ang labis na kasiyahan dahil sa tagal ng panahon na nawalay sa piling niya ang dalawang bata. Nakaramdam siya ng labis na kalungkutan at pananabik na mayakap ng mahigpit ang kanyang mga anak, sina Sam at Diana. Pagkatapos nito ay ang pagtulo ng kanyang luha dahil sa pagkakahiwalay nila ni Rachael. Tandang-tanda pa ni Mon ang kanilang naging pagtatalo:
“Bakit hindi mo dinala sa ospital si Sam. Nagsusuka at dumudumi ang bata. Kawawa naman ang bata!”, tanong ni Mon kay Rachel.
“Bakit hindi ikaw ang magdala ng bata sa ospital?!”, matapang na sagot ni Rachel.
“Alam mong gabi na akong umuuwi, paano ko madadala ang bata sa ospital nasa trabaho ako!”.
At isang matunog na tulak sa pinto at hagis ng mga gamit ang narinig ni Rachael. Mabilis na tumalilis palabas ng kanilang bahay sa takot sa asawa na baka siya saktan at iniwan ang kanyang mag-ama.
Mabilis namang naghanda ng damit ng mga bata si Mon at pinagkasya sa loob ng isang bag. Ginising ang mga bata kahit malalim na ang gabi at isinakay sa kanilang kotse. Halos isang taon noon si Sam at anim na buwan naman si Diana.
“Hindi mo na ako makikita, Rachael, hindi na !” – ang ipinangako ni Mon sa sarili.
Malayo na ang tinatakbo ng kanyang sasakyan ng maisip na tumuloy sa kanyang kapatid na si Rossana. Tinahak ni Mon ang direksyon na kinaroroon ng kapatid. May ilang oras din bago nila narating ang lugar. Pigil ang hininga na kumatok sa pintuan kahit may kaunting pangamba at alinlangan sa kanyang puso.
“Kuya, napasagsag ka sa dis oras ng gabi, anong nangyari ?!” takang tanong ni Rossana.
“Itinakas ko ang mga bata kay Rachael?!”, sagot ni Mon.
Bago sagutin ang mga sumunod pang tanong ni Rossana ay tuluyan nang pumasok sa bahay ang tatlo. At sinabing nais na niyang makipag-hiwalay muna kay Rachel dahil sa hindi makatarungang pangangatuwiran nito sa kanya. Hanggang sa iminungkahi ni Mon sa kapatid na hindi nila ipa-aalam na nakapisan kay Rosanna ang dalawang bata.
Nanahimik na lamang si Rossana sa kanyang tinuran. Gusto niyang magtanong pa ngunit alam niyang mabibigo lang siya kaya’t minabuti na lang niyang manahimik at huwag ng palawigin pa ang kanyang mga tanong sa kaharap.
Sa bahay nila ni Mon at Rachael, tanging pag iyak ni Rachel ang naabutan ni Mon sa kanilang bahay.
“Saan mo dinala ang mga bata?”, ang bumungad na tanong ni Rachel.
“Sa lugar na hindi mo makikita!” tahasan sagot naman ni Mon.
Halos magmaka-awa si Rachel na ibalik ang kanyang mga anak ngunit tuluyang nakipag-hiwalay si Mon. Pagkatapos ay binigyan ni Mon si Rachel ng maghapon upang lisanin ang tahanan na pag-aari ng magulang nito.
Tuluyan ng naglaho si Mon sa bahay. Pero si Rachael ay hindi pa. Mabigat ang kanyang mga paa para ayusin ang lahat ng mga gamit pero walang nagawa kundi umalis rin si Rachel.
Lingid sa kaalaman ng lahat, pansamantalang nakituloy sa isa sa malapit na kapitbahay si Rachael, sa bahay ni Jocelyn ang kapitbahay nilang mag-asawa. At sa araw-araw ay nakadungaw sa bintana sa pag-asang dumating ulit ang asawa, kasama ang 2 anak, ngunit nanatiling bigo si Rachel.
IT U T U L O Y
ni: Arnold G. Ramos