in

Prutas na Pakwan, narito ang mga benepisyo

Ang pakwan ay kilalang prutas sa Pilipinas at Italya at paboritong kainin ng marami lalo na kung tag-init. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami ay maraming sustansya at kemikal ang maaaring makuha sa pakwan na may benepisyo sa kalusugan.

Ayon kay Doc Willie Ong, narito ang mga benepisyo ng pagkain ng pakwan.

  1. Mabuti sa puso at ugat – Ayon sa US Department of Agriculture, ang pakwan ay nagpapataas ng arginine (isang amino acid) sa ating katawan. Ang arginine ay ginagamit sa paggawa ng nitrous oxide, na nagpaparelaks ng ating mga ugat sa puso at utak. Dahil dito, makatutulong ang pakwan sa pag-iwas sa istrok at atake sa puso.
  2. Nagpapababa ng presyon – Dahil pinapaluwag ng arginine ang ating ugat, nakapagpapababa din ito ng blood pressure. Ang potassium at magnesiumng pakwan ay may tulong din sa blood pressure. At kapag mas maraming pakwan ang iyong kakainin, mas mabuti pa ito sa katawan.
  3. Pampalakas ng sex drive – Ayon sa mga eksperto, may tulong umano ang pakwan sa pagpapagana sa sex. Ito’y dahil sa arginine na nagpapabuka ng ugat din sa ari ng lalaki. Dahil dito, para na ring Viagra ang epekto ng pakwan. Wala pa itong masamang side effect. Ngunit hindi lang nga kasing bisa ang pakwan kumpara sa mga gamot.
  4. Pag-iwas sa kanser – Ang pulang klase na pakwan ay napakasustansya dahil may taglay itong lycopene. Ang lycopene ay tinatayang panlaban sa kanser at pag-edad. Ang kamatis ay marami ding lycopene.
  5. Mabuti sa mata – Ang pakwan ay may vitamin C at vitamin A na kailangan ng ating mata. Kung ang pulang pakwan ay panlaban sa kanser, ang dilaw na pakwan naman ay maka-iiwas sa katarata sa mata (macular degeneration). Ito’y dahil sa sangkap na lutein ng dilaw na pakwan.
  6. May katas na alkaline water – Ang pakwan ay sadyang matubig at gawa sa 92% alkaline water. Mabuti ang alkaline water sa ating sikmura at safe ito kahit sa may ulcer. Kung ika’y sinisikmura o may ulcer, umiwas sa katas ng orange at pinya dahil maasim at acidic ito.
  7. Gamot sa singaw at bad breath – Ayon sa mga eksperto, may tulong ang pakwan sa paggamot ng singaw at pag-bawas sa bad breath.
  8. Mabuti sa sikmura at pagdumi – Dahil may fiber at tubig ang pakwan, napapabilis nito ang ating pagdumi. Kung ika’y laging tinitibi (constipated), kumain ng maraming pakwan.

Bukod dito, ayon sa Kalusugan.ph may mga sakit at kondisyon na maaaring matulungan ng pakwan.

  1. Hirap sa pag-ihi. Makatutulong sa kondisyon ng problema sa pag-ihi ang madalas na pagkain o pag-inom sa katas ng bunga ng pakwan.
  2. Uhaw. Ang matinding uhaw ay maaaring matulungan ng pagkain sa bunga ng pakwan.
  3. Pagtatae. Ang pinatuyong balat ng bunga ng pakwan ay makatutulong sa kondisyon ng pagtatae. Ito ay karaniwang pinatutuyo, dinudurog at hinahalo sa inumin.
  4. Diabetes. Ayon sa ilang mga pag-aaral, ang pagkain sa bunga ng pakwan ay epektibong pangkontrol sa asukal sa dugo lalo na kung mayroong diabetes.
  5. Sobrang timbang. Epektibong paraan din sa pagkokontrol ng tamang timbang ang pagkain ng sa bunga ng pakwan sapagkat madali itong makabusog.
  6. Free radicals. Kaya ding malabanan ng antioxidants na taglay ng bunga ng pakwan ang mga free radicals na nakakapagpabilis ng pagtanda ng katawan ng tao.
Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Bonus TV 2021, paano at sino ang maaaring mag-aplay?

kit-postale-ako-ay-pilipino

Nasa renewal ang permesso di soggiorno? Narito ang mga karapatan ng dayuhan