in

Psy, nakatanggap ng booo sa Olympic Stadium

Kinansela ang mga guesting sa kabila ng naging pahayag.  

Roma, Mayo 28, 2013 – Ang lungsod ng Roma, sa kalagitnaan ng pananabik sa Derby football sa pagitan ng Roma at Lazio noong nakaraang linggo, ay nagpakita ng masamang pag-uugali sa naging pagpapalabas ng bisitang Korean pop star na si Psy, ang gumawa ng kinabaliwang kanta, maging ng sayaw nito, ang Gangnam style. 

Ang kompositor at manganganta, na inanyayahan upang mag-aliw sa publiko ay nilait, pinuno ng boo at mga paninigaw ng publiko bago, habang at maging pagkatapos ng kanyang mini-concert sa Olympic Stadium. 

Sa kabilang banda, ang kilalang si Psy ay tila maluwag sa loob na tinanggap ang mga pangyayari.  “Naiintindihan ko ang klima sa isang football match: Tulad ng mga nangyari sa Korea sa pagitan ng dalawang team. Ako ay mayroong tungkuling magbigay aliw sa publiko bago ang laro. Ang mga artist, tulad din ng mga athletes ay kailangang ipakita ang kanilang laro sa publiko. Halos walang pagkakaiba ang pag-akyat sa stage at pagpunta sa court. Ngunit salamat na lamang, sa amin, ay walang nananalo o natatalo”, ito ang mga inihayag ni Psy ukol sa mga pangyayari. Ngunit sa kabila ng naging pahayag nito ay na-irita si Psy sa walang edukasyong reaksyon ng mga Romans na noon ay nasa stadium. 
 
Sa katunayan, ang guesting ng singer sa Radio Deejay na nakatakda sa araw na ito ay kanyang kinansela, tulad ng inihayag ng mga anchormen na sina Linus e Nicola Savino. Gayun din ang guesting nito sa ilang programa sa bansa.
 
Para sa mga Romans, ay tila ang derby at ang matinding galit sa kalaban ng kanilang favorite team ang pinakamahalagang kaganapan sa kanilang buhay, tulad ng pinatunayan ng mababang bilang ng mga botante sa kasabay na lokal na halalan. 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regularization: Naghihintay ako ng aking permit to stay, maaari ba akong umuwi ng Pilipinas?

Pagpasok sa mga museo, libre na rin maging sa anak ng mga imigrante