Narito ang mga sangkap at paraan ng pagluluto ng beef pochero.
Sangkap:
1 kilong baka, hiniwa ng tig-2 pulgada pakuwadrado
4 tangkay dahon ng sibuyas, hiniwa ng tig-4 pulgada pahaba
1 tangkay ng celery, hiniwa ng tig-4 pulgada pahaba
2 kutsaritang asin
¼ petsay
2 katamtaman laking patatas, binalatan at hiniwa ng pakuwadrado
¼ beans
2 saging na saba
1 tasang garbanzos
2 ulo ng bawang, pinitpit
1 katamtaman laking sibuyas, tinadtad
½ tasang tomato sauce
2 kutsaritang mantika
Paraan ng pagluluto:
1. Pakuluan ang baka sa isang kaserola na may sapat na dami ng tubig sa loob ng 2 oras o hanggang ito’y lumapot. Hanguin ang karne.
2. Ipagpatuloy ang pagpakulo ng sabaw ng baka.
3. Ilagay dito ang patatas.
4. Pakuluan muli ng 2-3 minuto.
5. Idagdag ang beans, petsay at saging na saba.
6. Maghintay ng 5 minuto.
7. Sa isang maliit na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas.
8. Ihalo ang baka at tomato sauce.
9. Pakuluan muli ng 5 minuto.
10. Ibuhos ang sabaw.idagdag ang garbanzos.
11. Pakuluan ng 5 minuto muli.
12. Hanguin ang baka at ilagay sa isang malaking mangkok.
13. Iayos ang gulay sa mangkok.
14. Ibuhos ang nilutong sabaw.
15. Ihain habang mainit.