Rome, Enero 4, 2013 – Sisimulan bukas ang SALE sa Roma at Lazio. Ayon sa isang survey na isinasagawa ng SWG per Confcommercio Roma at ikinalat ng ilang asosasyon. Ganito ang iniltahalang survey.
“Ang 77% ng mga consumers ay nagnanais na bumili ng 1 bagay lamang, at ang 62% lamang nito ang alam kung ano ang kanilang bibilhin. Ang 51% ay nahihikayat ng sale dahil ito diumano ang tamang pagkakaton upang makabili ng mga produkto tunay na naka-sale. Samantala, ang 44% ay hinihintay talaga ang pagkakataong ito dahil sa wakas ay mabibili ang bagay na sa full amount ay di kayang mabili.
“Ang 37% ay naghayag na natutuwa sa pagdating ng sale, 27% ang mga naghayag na bumibili ng hindi kailangan bagkus iyong mga kumbiyente, habang 28% naman ang naghihintay ng mga huling araw upang mas malaki naman ang discount”.
Ukol sa halagang gugugulin, 40% ang nais gumastos ng di lalampas ng 200 euro, 20% ang nagsabing gagastos sa pagitan ng 200 at 300 euros, 15% ang nagsabing sa pagitan ng 300 at 500 euros, 5% ang nagsabing sa pagitan ng 500-1,000 euros”.
“Ang average budget ng isang indibidwal, ay tinatayang nasa 180 €. Ang 56% ay nais bumili ng sapatos, casual wear naman ang para sa 52%, 26% ang sportswear at underwear,17% ang mga sports shoes at bags, 15% naman ang sa evening dress.
Bilang pagtatapos, 41% ng mga respondents ang nagsabing babalikan ang kanilang mga paboritong stores, 53% ang sumagot ng kahit saan at 6% naman ang magso-shopping sa mga stores na di nila karaniwang pinupuntahan”.