in

Salot sa lipunan

Isang kwentong kathang-isip lamang na tanging layunin ay ang magbigay-aliw sa mga mambabasa. Anumang pagkakatulad sa pangalan o kaganapan ay hindi sinasadya at isang pagkakataon lamang.

 

 

Wala pa halos isang taon sa Roma si Monching ay mabilis na kumalat sa Filipino community ang kanyang pangalan.  Una siyang nakilala sa Piazza Mancini nang minsan ay ipinagtanggol niya ang dalawang Pinay sa pambabastos ng isang lasing na African. Isang matinding upper cut ang nagpabagsak sa kapwa stranghero na siyang nakatawag pansin sa dalawang Carabinieri na nagpapatrol sa plaza. Mabilis at maliksi ang Filipino kaya at sa habulang naganap ay biglang nawalang parang bula ang binata.

“Sabi ko na nga at dito sa Termini kita makikita, Ricky Boy pare taga Cavite.” iniabot ng lalaki ang kamay sa waring atubiling si Monching.

“Monching Chavez, pare, taga Caloocan. Wala ka bang alam na trabaho?” sagot ni Monching habang tinatanggap ang alok na sigarilyo ng bagong kakilala.

“Sa ngayon ay wala pero tutulungan kita . Ganyan din ang buhay ko noong araw eh, napaaway at nahuli pa buti na lamang at tinulungan din ako ng pulis na humuli sa akin.” ang mayabang na tugon ni Ricky.

“Wala na akong matutuluyan pinaalis ako ng kaibigan ko noong malaman nila na hindi AWOL kundi drug case ang dahilan ng pag alis ko sa serbisyo.” paliwanag ni Monching.

“Alam ko na itinakwil ka ng asosasyon ng mga ex police at servicemen dito pero huwag kang mag alala, garage boy ako at may bahay ako sa garahe , doon ka muna habang wala pa tayong diskarte. Habang nasa tabi kita ay walang gagalaw sa iyo .” sigurado ang bawat salita ni Ricky. “May bahid ka na rin lang, ituloy mo na rito sa Roma yayaman ka pa.”

May kakayahan si Ricky na magpayo ng ganoon kay Monching. Kilala siyang tulak sa Roma at waring supermarket ng mga bawal na gamot ang garage na kanyang pinapasukan. May kinakapitang pulis sa Roma at mas higit na malakas ang kapit sa Pilipinas. Mga alipores ng isang Congressman ang supplier ni Ricky ng shaboo, ang synthetic drug na ibinebenta niya sa mga kabataang Filipino.

“Heto ang Five thousand” bahagi mo at kasama na ang increase diyan” isang bungkos na euro ang iniabot ni Ricky sa bagong “kasosyo” sa karumaldumal na trabaho. Mahigit na dalawang buwan na si Ricky bilang “tao” sa Termini at sa Mancini.

“Ikaw ang may papel gawan mo ng paraan na padala natin sa ermat ko.”  mabilis na ibinalik ni Monching ang pera na mabilis din tinanggihan ng Filinong drug lord.

“Ako na ang bahala sa nanay mo. Gamitin mo yan dito at bumili ka ng bagong damit.  Sa Sabado biyahe tayong Milano at ito na ang baptism of fire mo heheh”. Suntento at nakangiti si Ricky habang sinisindihan ang isang joint.

“Ha? anong meron at bakit sa Milan pa? Sunod sunod ang tanong ng batang dating pulis habang hinihithit ang sigarilyong may halong hashhish na iniabot ng kaibigang pusher.

“Darating si Congressman sa Biyernes at Sabado ay dadalawin namin si hepe sa Milan doon kasi nadestino ang kaibigan kong pulis eh at yung regalong dala ni boss isang piguring kalabaw, ang masipag na hayop sa atin. Maitim yon pero busilak na maputi ang laman sa loob hahahah”, may tiwalang kuwento ni Ricky kay Monching. ” Gusto ko sa miting ay kasama ka, mayayanig sila sa kuwento ng buhay mo”  dag dag pa ng tulak.

“Congressman, You are under arrest” Ang magiting na binigkas ni Monching sa harap ng politikong turista. Sadyang nayanig  si Ricky,ang Filipinong pusher, ang kaibigan nitong pulis na Italyano at ang congressman na pinagmumulan ng shaboo buhat sa Pilipinas nang inilabas ni Monching ang tsapang nakatago sa kanyang boots. Isang joint undercover operation ng Arma dei Carabinieri at DEA of the Philippines ang pinamunuan ng isang Kapitan at ng isang General, ang Africanong official ng Carabinieri na siya ring sinuntok ng Filipinong undercover sa eksenang nagpasikat kay Monching.

” I still have to recover for that upper cut.  By the way here is your service gun” matapos ang matagumpay na operasyon ay masayang ibinalik ng carabiniere ang  opisyal na baril ng Filipinong pulis. May ilang normal na kliyente ng Autogrill na siyang meeting point ng mga drug dealers ay nag pakilalang mga carabinieri at mabilis na pinosasan ang tatlong inaresto at maingat namang  kinuha ang pruwebang kalabaw na puno ng cocaine sa loob.

” Give it to me as you accompany me and my “catch” at the airport. We will invite you for the final reporting of this joint operation so be my guest and i will show to you how beatiful our country is. ” Ang masayang tugon ng batang kapitan sa kakutsabang carabiniere. ” It is my honor working with you General and also to all of you guys” Ang pagtatapos ni Monching habang nakasaludo ito bilang paggalang sa mga carabinieri na kasama sa undercover operation.

Nagdiwang ang mga Filipino sa Roma nang malaman nila na ang basag-ulerong si Monching ay isa palang bayani at magiting na anti drug officer sa Pilipinas. Nag pasaya din sa kanila ang pagkakahuli kay Ricky Boy na siyang tunay na salot sa lipunan.

Muli ay naipakita nila ang karangalan ng paglilingkopd sa bayan bilang mga alagad ng batas.  Nagkaroon ng isang pagdiriwang bago bumalik sa Pilipinas ang bida. (ni: Tomasino de Roma)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PIDA launches Philippine Independence Day Celebration in Rome

Human Philippine Flag Formation, kayang-kaya kung sama-sama