Ang Sinigang na Bangus na may puso ng saging ay mayaman sa fibers, vitamin A, C, E at flavonoids.
Ang puso ng saging naman ay pinaniniwalalang nagtatanggal ng menstrual cramps bilang natural remedy practice.
Ingredients:
· 1 katamtamang laking Bangus (Milkfish) 1/2 kilo, walang kaliskis, malinis at hinati sa 6 na piraso.
· 2 hinog na kamatis, hiniwa
· 2 katamtamang laking sibuyas, hiniwa
· 1 katamtamang kaling labanos, hiniwa ng palihis
· 200 grams sariwang bulaklak ng saging, tanggalin ang bandang gitna
· 1 maliit na talong, hiniwa ng palihis
· 2 pcs Siling Haba
· 1 sachet Tamarind Sinigang mix
· asin
Cooking instructions:
· Sa isang kaserola, ilagay ang ikalawang hugas bigas at pakuluan.
· Ilagay ang kamatis at sibuyas. Pakuluan ng 10 minuto.
· Idagdag ang labanos at hayaang kumulo ng 2 minuto.
· Ilagay ang bulaklak ng saging, talong, sili at Bangus at lagyan ng asin. Ilagay ang Tamarind mix at hayaang maluto ng 5 minuto.
· Ihain ng mainit na may kasamang mainit na kanin at isang palitong patis.