in

Tax evasion ng mga colf, paano kinokontrol? 

Kabilang sa partikularidad sa domestic job sa Italya, tulad ng mga colf at babysitter, ay ang katotohanan na ang employer ay hindi tumatayo bilang withholding agent o sostituto d’imposta. Dahil dito, ang mga colf at caregivers ay binabayaran ng gross o buo ang sahod. Samakatwid, habang ang employer ang dapat magbayad ng mga kontribusyon para sa social security, ang colf naman ang bahala sa pagbabayad ng buwis sa pamamagitan ng pagsusumite ng tax return o ang tinatawag na dichiarazione dei redditi bawat taon. Ganunpaman, mayroong mga colf at caregivers na kahit regular na mayroong employment contract ay hindi nagbabayad ng buwis at dahil dito sila ay gumagawa ng krimen na tax evasion

Kaugnay nito, ang awtoridad ay patuloy na tumutugis sa mga colf at caregivers na hindi nagbabayad ng buwis, partikular sa mga colf na mayroong regular na working contract, dahil hindi mahirap para sa awtoridad ang madiskubre kung sinu-sino ang mga nagpapanggap na hindi umano alam na dapat magbayad ng buwis.

Tax evasion ng mga colf, sino ang nagko-kontrol? 

Ang Guardia di Finanza, Agenzie dell’Entrate at INPS, ang mga ahensya na nagsasagawa sa mga kontrol. Ngunit paano nagsisimula ang mga pagsusuri upang mahanap ang mga domestic workers na hindi nagbabayad ng buwis? Matatandaang ibinalita ang Ako ay Pilipino ang 300 domestic workers sa Viterbo na natugis sa hindi pagbabayad ng buwis. 

Maraming bagay ang maaaring mag-trigger sa pagsusuri ng anti-evasion sa Guardia di Finanza. Ngunit tandaan na ang Guardia di Finanza ay hindi kailanman kumikilos mag-isa at, sa katunayan, ginagamit nito ang datas na hawak ng Agenzia dell’Entrate at INPS upang matuklasan ang mga hindi nagbabayad ng buwis.

Maraming manggagawa ang nagdedeklara ng mas mababang kita kaysa sa natatanggap upang mapanatili ang Irpef exemption at patuloy na pakinabangan ang mga social benefits.

Tax evasion ng mga colf, paano kino-kontrol? 

Isa sa ginamit na paraan sa pag-iimbestiga sa nakaraang taon ay ang ginawang pag-aaplay ng bonus at ila pang social benefits. Ang pagiging kabilang sa listahan ng mga benefiaries ay halos isang awtomatikong paraan upang mapabilang sa mga dapat suriin. Sa lahat ng mga aplikasyong pinirmahan ay sumasailalim sa pangakong pagdedeklara ng katotohanan at kasabay nito ay ang pagbibigay ng pahintulot sa anumang pagsusuri ng awtoridad. 

Sa ibang kaso, tulad ng nangyari sa Viterbo, ang awtoridad ay naghinala kung paano namumuhay ang maraming tao. Pinalalim ang imbestigasyon sa mga pamilya ng mga employers upang madiskubre ang mga nagpapa-trabaho ng nero sa mga colf. Kasabay nito ang imbestigasyon sa mga workers na regular ang kontrata at ang sahod ayon sa batas, ngunit lumabag sa hindi paggawa ng Dicharazione dei Redditi. 

Naglagay din ang sistema ng buwis ng Italya ng iba’t ibang mga instrumento na naglalayong kontrolin ang mga hindi nagbabayad ng buwis. May mga obligasyon ang mga bangko, pati ang mga professionals tulad ng mga service provider para sa pagpapadala ng remittance sa ibang bansa.

Ang Money Transfer ay isa din sa mga paborito ng Agenzia dell’Entrate sa pagkokontrol sa mga colf at caregivers sa kanilang pagpapadala ng pera sa kanilang country of origin. Isa ito sa itinuturing na spia na nagtutulak sa pagsusuri ng awtoridad. 

Kahit ang life style ay sinusuri din. Kung gumagastos ng higit sa 20% ng kinita, ay kumakatok ang Agenzia dell’Entrate upang humingi ng paliwanag. 

Ang mga gastos na kinokontrol ng Agenzia dell’Entrate gamit ang income meter o ang redditometro. Ito ay tumutukoy sa 100 mga items, isang detalyado at analytical na listahan na maaaring ibuod sa tatlong macro-category: konsumo, pagtitipid at pag-iipon. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 5 Average: 3.6]

Inps contact center Ako Ay Pilipino

Assegno Unico Universale, sa INPS mobile app 

Ako ay Pilipino

Dichiarazione dei Redditi 2022, narito ang maikling gabay