in

Ipinamahagi ang bilang ng mga seasonal workers sa mga probinsya, pinaka marami sa North

Itinalaga na ng Ministry of Labor ang halos 10,000 na bilang batay sa tinantyang pangangailangan at mga kontrata na pinirmahan noong nakaraang taon. Narito ang mga bilang sa bawat probinsya.

 

 


Roma – Hunyo  9, 2015 – Ang mga seasonal workers na pinahintulutang makapasok sa Italya ay magta-trabaho ang karamihan sa mga sakahan, bukirin at mga prutasan sa Hilagang Italya. Samantala, sa Sentro at lalong higit sa Timog, ang mga kumpanya sa agrikultura ay hindi ganoon kalaki ang pangangailangan upang magpadala ng manpower buhat sa ibang bansa.

Sa simula ng pagpapadala ng mga aplikasyon, ang Ministry of Labor ay itinalaga at ipinamahagi sa iba’t ibang probinsya sa bansa ang 9785 ng 13,000 entries na inilaan ng direct hire for seasonal job. Ito ay magpapahintulot sa Sportelli Unici per l’Immigrazione na mabilis na sumagot sa panawagan ng hiring na inilahad ng mga employers.

Sa pagbabahagi ay isinaalang-alang ang tinantayang pangangailangan sa seasonal manpower sa ginawang pagtitipon ng mga lokal na awtoridad, regional labor offices, asosasyon at mga unyon. Isa pang naging panuntunan ay ang naging daloy ng decreto flussi noong nakaraang taon, hindi kasama ang mga “false application”, at samakatwid ay ang mga kontratang napirmahan lamang matapos makapasok ang mga worker sa Italya.

Sa naging distribusyon ay makikita unang una ang probinsya ng Trento kung saan mapupunta ang 1700 seasonal workers, sinundan ng Verona – 1200 at ang Cuneo – 900. Bilang na hindi naman nakita sa mga probinsya sa Timog. Ang pinakamataas na bilang ay sa Salerno, na mayroong 150; sa Caserta – 50 at sa Latina – 0.

Nananatili pa ang 3215 bilang o entries sa Ministry of Labor. Ito ay upang matugunan ang pangangailangan sa mga probinsya kung saan mauubos ang mga inilaang bilang.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Paano mag-aplay ng assegni familiari para sa mga colf?

Seasonal Job: Sapat na ang pirma ng employer sa Sportello Unico