Mula pediatrician para sa anak ng mga undocumented, hanggang health card para sa mga naghihintay sa first issuance ng permit to stay. Narito ang kasunduan sa pagitan ng estado at rehiyon na ipatutupad sa buong bansa upang makatanggap ng serbisyo o magkaroon ng access sa SSN. Tulad ng nasasaad sa Konstitusyon.
Roma – Enero 8, 2012 – Lahat ay kabilang. Ayon sa Artikulo 32 ng Konstitusyon: "Ang Republika ay tinitiyak bilang pangunahing karapatan ng indibidwal at sa ikabubuti ng lahat ang kalusugan at tinitiyak ang libreng medikal na pangangalaga sa mga nangangailangan”.
Ito ang direksyon ng “Indicazioni per la corretta applicazione della normativa per l’assistenza sanitaria alla popolazione straniera”(Mga Alituntunin para sa tamang application ng batas para sa pangangalaga ng kalusugan ng mga banyaga), kung saan nagmula ang isang kasunduan noong Disyembre 20 sa pagitan ng gobyerno, autonomous region at mga lalawigan.
Sa animnapung pahina ay matatagpuan ang maraming ‘mukha’ ng imigrasyon (bata, matanda, manggagawa, mag-aaral, walang trabaho, documented o undocumented, non-EU nationals…) maraming mga panuntunan upang matanggap ang pangangalaga. Sa wakas ay nilinaw kung sino at kung ano, bilang isang mahalagang instrumento para sa mga mamamayang dayuhan gayun din sa mga operators ng sektor.
Isang bagong kasunduan. Dahil walang anumang bagong nabanggit, pinagbatayan lamang ang mga umiiral na batas at mahusay na ipinatutupad na sa ilang rehiyon ng bansa. Ang pangunahing pagbabago ay ang pagpili at pagsasama-sama sa mga umiiral na batas, upang maipatupad ng pantay-pantay sa buong bansa, lalo na kung saan ay malayo pa ang pagpapatupad ng mga ito.
Binanggit ang obligadong pagpapatala ng mga menor de edad sa National Health Service o SSN, upang matiyak na masubaybayan ng pediatrician ang kalusugan ng mga undocumented minors. Gayundin ang obligadong pagpapatala sa SSn ng mga naghihintay ng first releasing ng permit to stay o ng mga workers na inire-regularized sa huling sanatoria.
Ang kasunduan, bukod sa iba pang mga bagay, ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga matatandang dumating sa Italya sa pamamagitan ng family reunification na kusang loob na magpapatala sa SSN sa pamamagitan ng pagbabayad ng kontribusyon, at hindi na obligadong kumuha ng private health insurance. Isang prinsipyo, na sa Lumbardy Region ay ipinatupad lamang matapos ang isang hatol buhat sa hukom.
Iba pang paglilinaw ay ukol sa mga undocumented na nakakatanggap ng mga urgent at essential health assitance. Sa ngayon ay isa nang malawak na kategorya kung saan nabibilang na rin ang transplant, kahit ng spinal column at kung saan nababanggit na ang mga dayuhan ay itinuturing na kapantay ng mga mamamayang Italyano kahit walang permit to stay.
Binigyang-diin din (at dapat na madalas gawin) na “ang access sa mga health assistance ng mga undocumented ay hindi paraan upang i-report ang mga ito sa awtoridad”. At dahil dito, ay hindi kina-kailangan ang permit to stay para sa report of birth na ginagawa ng mga dayuhang magulang sa ospital.
Nilinaw din sa wakas na ang access sa SSN ng mga EU nationals. Tinitiyak din ang serbisyong pangkalusugan maging ng mga mamamayang walang karapatang manatili sa Italya na hindi rin sakop ng assistance sa sariling bansa at nagdeklara ng pagiging in distressed. Walang hindi kabilang, tulad ng nasasaad sa Konstitusyon.