Narito ang schedule ng exams para sa mga quota course. Para rin sa mga mag-aaral na dayuhan, kabilang ang mga kasalukuyang nasa sariling bansa.
Roma – Abril 7, 2015 – Walang anticipated exams ngayong taon, para sa entrance exams ng mga quota course.
Ang Ministry ay inilathala kamakailan ang official schedule para sa mga entrance exams na gaganapin sa Setyembre.
Health professionals |
September 4, 2015 |
Medicine, Surgery, Dentistry at Denture sa wikang italyano |
September 8, 2015 |
Medicine, Surgery sa wikang ingles |
Septembre 16, 2015 |
Veterinary Medicine |
Septembre 9, 2015 |
Architecture |
Septembre 10, 2015 |
Education |
Septembre 11, 2015 |
Ang mga petsang nabanggit ay mahalaga rin para sa mga dayuhang mag-aaral, na karaniwang anak ng mga imigrante na kasalukuyang pumapasok sa ikalimang taon ng mataas na paaralan sa Italya. Matapos matanggap ang diploma, dahil regular na residente sa Italya, ay maaaring magpatala sa unibersidad tulad ng mga mag-aaral na Italyano.
Bukod sa kanila, ay mahalaga rin ang mga petsang ito para sa mga kabataang kasalukuyang nasa sariling bansa na nagnanais na magpatuloy ng pag-aaral sa unibersidad sa Italya. Gayunpaman, sila ay dapat sumunod sa mas kumplikadong pamamaraan.
Una sa lahat, ay kailangang hintayin ang pagbubukas ng pre-enrollment sa sariling bansa (karaniwang sa buwan ng Mayo at Hunyo) kung saan maaaring isumite ang aplikasyon sa Embahada o konsulado. Kung matatanggap, bago matapos ang Summer ay bibigyan ng entry visa upang sumailalim sa entrance exam sa Italya.
Nais mo ba ng higit na impormasyon ukol sa pagpapatala sa unibersidad ng mga dayuhang mag-aaral? Bisitahin lamang ang aming sister website para sa inyong mga katanungan.