in

Social card sa mga imigrante, ganap ng batas

Bukod sa mga Italians, ang mga EU at non-EU nationals na carta di soggiorno holders ay maaari na ring magkaroon ng tinatawag na social card. Ito ay hatid ng Legge di Stabilità na inaprubahan ng Parliyamento.

Rome – Disyembre 27, 2013 – Ganap ng batas. Maging ang mga EU at non-EU nationlas na carta di soggiorno holders ay may karapatan na ring magkaroon ng social card, basta’t nagtataglay lamang ng mga requirements tulad ng mga Italians.

Ngunit ano nga ba ang social card na ito? Ang social card (o carta d’acquisti) ay isang prepaid card kung saan ilalagay ng Estado tuwing ikalawang buwan ang halagang 80 euros, at ang mga owners ay maaaring gamitin ito sa pagbili ng pagkain, ng gamot at maging pambayad ng house bills tulad ng gas at ilaw.

Ito ay isang uri ng tulong sa mga hindi bababa sa 65 taong gulang, o sa mga batang wala pang 3 taong gulang, sa ganitong kaso ang owner ay ang mga magulang na mayroong mababang sahod. Ang batayan, ay ang kilalang ISSE o Indicatore di Situazione Economica Equivalente, na hindi tataas sa 6700 euros yearly.

Hanggang sa kasalukuyan, ang social card ay nakalaan lamang sa mga Italians. Ngayon, ayon sa legge di Stablilità 2014, o ang Budget bill 2014 na inaprubahan kamakailan sa Senado ay nagbibigay na rin ng karapatan sa mga imigrante.

Ang tekstong inaprubahan ng Parliament ay nagsasaad na ang social card ay ipagkakaloob sa mga mamamayang residente “Italyano man o buhat sa EU member State o buhat sa non-EU member State na nagtataglay ng EC long term residence permit o carat di soggiorno. Tataasan ng 250 million euros ang Pondo na magkakaloob ng benepisyo.

Maaaring isiping isang mahalagang regalo ito sa Kapaskuhan para sa mga imigrante. Hindi. Kahit sa pagkakataong ito, ang Italya ay sumusunod lamang, kahit naantala na, sa isang European law, kung saan nasasaad na ang mga social benefits, ay kailangang ibigay na pantay na paraan sa mga EU at non-EU nationals tulad ng mga nationals ng napiling bansa ng mga imigrante.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

NDRRMC: Higit 6,100 ang nasawi sa Bagyong Yolanda

GUBA Doce Pares International, patuloy ang paglaganap sa Italya