in

Registered Voters na hindi natanggap ang balota by mail, makakaboto na!

Makakaboto na ang mga registered voters na hindi natanggap ang kanilang balota mula sa posta ngayong Mid-term Election.

Ito ang nilalaman ng Overseas Voting Advisory No. 16-2019 ng Comelec noong May 8, 2019.

Ayon sa advisory, ang Embahada ng Pilipinas ay binibigyan na ng pahintulot sa pagbibigay ng balota sa mga botante na HINDI natanggap ang kanilang mga mailing packets sa ipinatutupad na Postal Voting sa Italya.

Mangyaring magpunta lamang sa Embahada at mag-request para sa bagong isyung balota.

Ito ay upang ang mga registered voters ay hindi ma-disenfranchise o matanggal sa listahan ng Certified List of Overseas Voters at samakatwid, ay ang makaboto.

Dagdag pa ng anunsyon, ang mga balotang ipinadala sa mga botante at makakansela sa pagbibigay ang mga bagong balota.

Ang Embahada ng Pilipinas sa Roma ay bukas sa Sabado at Linggo, May 11 at 12, mula alas 9 hanggang alas 6 ng hapon at sa Lunes, May 13 hanggang 12 ng tangahli, para sa overseas voting.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Diskriminasyon, kilalanin!

Dalawang balota para sa iisang botante, natanggap ng ilan sa Italya