Sa ginanap na press conference nitong Mayo 8, 2020, ang Covid-19, analisi dell’andamento epidemiologico e aggiornamento tecnico-scientifico, magkasama ang Ministry of Interior at Istituto Superiore di Sanità (Iss), ay ipinakita sa kauna-unahang pagkakataon ang datos ng Covid-19 sa mga dayuhang residente sa Italya.
Una nang ipinaalam ng ISS noong Abril 22, 2020 na 5.1% ang kaso ng Covid-19 sa mga dayuhang residente. Ito ay may kabuuang bilang na 6,395.
At tulad ng nabanggit, sa unang pagkakataon ay inilabas sa publiko ang unang mga nasyunalidad batay sa bilang ng kaso ng Covid-19 sa Italya, sa ilalim ng tatlong subgroup batay sa Human Development Index na isinasaalang-alang ng ISS:
- High o alto – kung saan nabibilang ang Romania: sa bilang ng pinakamaraming kaso 1,046 at bilang pinakamalaking komunidad ng mga dayuhan sa bansa;
- Average o medio – kung saan nabibilang ang Peru, Albania, Ecuador, Morocco, Ukraine, Egypt, Moldova at Pilipinas;
- Low o basso – kung saa nabibilang ang India, Bangladesh, Nigeria at Pakistan.
Sa labintatlong bansang nabanggit, na may higit sa isang daang mga kaso ng Covid-19 mula sa datos ng ISS, ay posibleng kalkulahin ang rate ng pagkahawa sa pamamagitan ng kasalukuyang bilang ng mga nahawa at ang pinakahuling datos ng populasyon ng komunidad mula sa Istat.
Samakatwid, batay sa bilang ng kaso ng covid19 ng mga Pilipino sa bansa hanggang April 22, 2020 na may bilang na 159 ay kumakatawan sa 0.9% sa bawat 1000 residente Pilipino sa bansa. PGA – Sources: ISMU dai dati ISS e ISTAT