in

3 Pinoy, bigo sa planong pagnanakaw, naghiganti

Rome – Marso 22, 2013 – Isang grupo ng tatlong mga kabataang Pilipino, 18, 19 at 27 anyos, ang inaresto ng awtoridad ng Nucleo Radiomobile di Roma dahil sa pagnanakaw at sa mga pinsala sa ginawang pagwawasak sa flower stand noong nakaraang gabi.

Ayon sa mga report, ang mga kabataan ay pinagplanuhan diumanong pagnakawan ang isang flower stand sa Circonvallazione Gianicolense, Rome upang mayroong magastos sa kanilang 'night life'. Ngunit matapos mapansin ng nagbabantay ng flower stand, isang Egyptian, 26 anyos, ang pag-aaligid ng mga Pinoy ay sinimulang bugbugin ng tatlo ang Egyptian upang kunin ang pinagbentahan nito. Sa tulong ng mga nag-dadaan ay natakot at nagtatakbong tumakas ang mga Pinoy.

Ngunit hindi dito natapos ang lahat, bumalik ang mga Pinoy at sa pagkakataong ito ay may mga dalang kadena at baston upang maghiganti sa Egyptian. Nagsimulang pagbabatuhin ng vase ang mukha at katawan ng Egyptian at tuluyang winasak ang flower stand at muling tumakas.
Mabilis namang tumugan ang 112.

Ang tatlong Pinoy, ay natagpuan sa Piazza San Giovanni di Dio.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Paano i-fill up ang aplikasyon online para sa seasonal worker

Mga seasonal workers, kailangan na sa agrikultura