in

72 medals at 5 trophies, hinakot ng Philippine Team sa World Karate Championship sa Toskana

27 gold, 26 silver, at 19 bronze at 5 trofeo bilang champion sa Kata at Kumite osparring competition.

Ginanap sa Montecatini Terme mula noong ika-22 hanggang ika-24 ng Nobyembre ang 1st Open ng World Karate Martial Arts Organization o WKMO.

Isang araw bago pa opisyal na magsimula ang ebento ay dahan-dahan at silensyosong dumating ang mga kinatawan ng koponan ng Pilipinas. Kapansin-pansin ang presensya ng bansang Pilipinas dahil sa kulay asul na official uniform ng buong team na mas pinatingkad ng buhay na buhay na philippine flag sa kaliwang bahaging dibdib  ng uniporme. Nakatawag pansin ang pagpasok ng koponan sa palaterme. May nagkomento din na isang coach ng Ukraine na naringgan ng “The Pearl of the Orient is here”.

Agad na nagensayo ang mga atleta habang antay ang  simula ng tunggalian. Sa unang araw pa lamang ng ebento ay umani na agad ng maraming papuri ang mga kabataang pinoy. Agad na nagpakita ng gilas at determinasyon ang Philippine Team.

Sa Team Kata na ginawa sa unang araw ay nakapaguwi agad ng 4 na gold medals at trophies ang PH Team. At sa sumunod pang dalawang araw ay mas lalong dumami ang mga premyong natanggap ng mga kabataan. Ang Philippine Team ay 2nd place sa over-all rating.  Umabot naman sa 72 ang mga medalyang naipon ng mga ito.  27 gold, 26 silver, at 19 bronze. May 5 trofeo din bilang champion sa Kata at Kumite o sparring competition.

Ilang araw matapos ang 1st Open ng WKMO sa Montecatini ay pinaguusapan pa rin ang malaking tagumpay na natamo ng Philippine delegation sa pamumuno ni  Maestro Dante Mulingbayan Atajar, 4th Dan blackbelt (yondan), Coach ng  Phil. National Delegation  at founder/coach ng Black Squadron. Ang batang head-coach ay walang sawa sa kanyang pagtraining ng mga young and talented karatekas.

Ang mga sumusunod ang mga mahalagang bilang na patunay ng tagumpay ng ebento: 1250 na kalahok mula sa tinatayang nasa 90 koponan mula sa iba’t-ibang bansa kabilang ang Italy, Spain, Philippines, USA, Brazil, Ukraine, Romania, Argentina, Norway, Israel, Macedonia, Germany, Poland, New Zealand, Greece, Slovenia, France at ilang pang bansang nagpadala ng kanilang mga delegasyon, dagdag pa ang 94 Associations na nakiisa sa pagorganisa ng 1st Open Tournament na ito.

Tatlong araw na punong-puno ng emosyon at pangarap, lalong lalo na mula sa mga kalahok na mga kabataang pilipino. Pangarap na natupad, matapos na iuwi ng mga ito ang umabot nga sa 72 medalya at mga trophies.

Ang isinagawang patimpalak ay hindi lamang nakatuon sa aspekto ng isports kundi sa mas mahalaga pang bagay na unang-unang binibigyang diin sa karate: ang pansariling disiplina at ang rispeto sa katunggali.

Ayon sa Presidente ng WKMO na si Paolo Bolaffio, ang mga kabataang nakita niya noong mga nakaraang araw ay ang kinabukasan ng mundo ng karate. Sa pagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang ebento ay kanya ring binanggit ang inaasam at pinag-aaralang pangalawang edition ng nasabing WKMOTournament.

Philippine Delegation sa Montecatini Terme:

Dante Mulingbayan Atajar – Head Coach

  1. Felix D. Deomampo – Assistant Coach
  2. Melecio Bulaag Bermudez Jr. – Assistant Coach
  3. Lea Victoria Cariaga Amatorio
  4. David Merc Anchorez
  5. Faith Francine Anuran
  6. Farrah Rocher Anuran
  7. Feona Rianne Anuran
  8. Carl Adrian Arriola
  9. Paul Nicko Camitan
  10. Lhynon Mercado Catibog
  11. Jessy Chua
  12. Andre Giulio Dayno
  13. Leigh Justine Rosal Deomampo
  14. Romelie Manuel Ebrado
  15. Jam Liker Gusto
  16. Katrine Devine Hernandez
  17. Fritzgerard Ira
  18. Francine Labay
  19. Sharmaine Labay
  20. Aldwin Joseph Muñoz
  21. Eros Andrie Muñoz
  22. Angel Anne Muñoz
  23. Edshel Panaligan Padilla
  24. John Rafael Patulot
  25. Stiffen Quartz Ramirez
  26. Ashley Magsino Ramirez
  27. Vito Vincenzo Salle
  28. Emanuele Layderos Toleos
  29. Aaron Villagonzalo

Hindi dito nagtatapos ang kabanata para sa mga kabataang nakilahok. Pagkatapos ng kaunting pahinga ay muling mageensayo ang mga ito upang paghandaan ang mga susunod pang hamon sa pamilya ng “Black Squadron”.  Inspirasyoon nila ang masasabing guiding force ng kanilang team: honor, respect,courage, loyalty, humility, patience, at self-control. (Quintin Kentz Cavite Jr.)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Christian Rontini, lumipad mula Firenze. Pasok sa Philippine Azkals!

Dalawang Pinoy mula Italya, kasama sa National Philippine Indoor Hockey Team na sasabak sa SEA Games 2019