in

ACF Messina, bagong pamunuan ang sumalubong sa Bagong Taon!

Kasabay ng mainit na pagsalubong sa Bagong Taon ay ang pagusbong ng bagong yugto sa buhay ng komunidad ng mga Pilipino sa Messina. Ang bagong kapitolong ito ng kanilang community life ay puno ng lakas ng loob nilang haharapin kasama ang mga bagong halal na pamunuan.

Ginanap ang election of officers ng Associazione Comunitaria Filippina o “ACF” Messina noong ika-16 ng buwan ng Disyembre sa Scuola Battisti sa Via Elena, lungsod ng Messina sa Sicily mula alas 7:30 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon. Sa araw ding iyon ng eleksyon natapos ang bilangan ng boto. Malaki ang bilang ng mga Pilipino sa lugar na ito ng pinakamalaking pulo ng dagat mediteraneo sa Italya ngunit ang opisyal na nasa talaan ng asosasyon ay nasa 525 na katao lamang. Sa buong bilang na ito ng mga miyembro ay nasa 353 lamang ang nakarating sa araw ng botohan dahil sa iba’t-ibang kadahilanan, ang karamihan ay may koneksyon sa trabaho. Ang mga nagsidatingan ay nagpunyagi para lamang maiboto ang kanilang mga napiling kandidato. Sa mga nasa listahan ng mga kandidato ay prinoklamang nagwagi ang lahat ng kandidato ng isang line-up or party list na ayon sa mga pilipinong taga Messina, unang nangyari ito sa history ng komunidad sa Messina.

Ang hinirang na bagong presidente ay si Miriam Macabeo, bise-presidente si Alan Jacutina,  Secretary si Darlene Marie Ortega, Treasurer si Jocelyn Caisip, at ang auditor naman ay si Kathryne Shaira Joy Sacsac. Taos-pusong namang nagpapasalamat ang buong komunidad na napagsilbihan ng dating administrasyon sa pamumuno ni outgoing President Monserrat Montemayor sampu ng kanyang mga opisyales. Inaasahang ipagpapatuloy ng mga bagong opisyales ang magandang nasimulan ng mga naunang administrasyon at kanilang isusulong ang mga bagong proyekto sa pakikipagtulungan ng mga kababayan sa Messina na siyang nagluklok sa kanila sa posisyon.

Nakatakdang mag oathtaking ang mga opisyales sa darating na linggo, ika-13 ng Enero 2019 sa Istituto Ignatianum sa Viale Regina Margherita sa Messina. Ang karangalan na makapaglingkod sa tulong ng pakikiisa, paggabay, at dasal ng bawat miyembro ng komunidad ay ang magsisilbing inspirasyon sa bagong pamunuan upang makapagsimula ng maayos sa kanilang paninilbihan.

 

(updated Jan 22, 2019)

Quintin Kentz Cavite Jr.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

All Filipino Europe Tournament, ginanap sa Milan

Ano ang Straniero Temporaneamente Presente o STP?