in

ACFIL, nakiisa sa “Plogging-drive” sa Torino

Mayo uno,  Araw ng mga Manggagawa. Sa halip na manatili sa kanya-kanyang bahay at magpahinga ay nakita sa Giardini Alimonda ng quartiere Aurora ang mga kasapi ng Associazione Culturale Filippina del Piemonte o ACFIL Torino Piemonte. Sa pamumuno ni Rosalie Bajade Cuballes, ang samahang ito  ng mga Pilipino sa Torino  ay nakiisa sa isinagawang clean-up drive ng isang bahagi ng lungsod ng Torino. 

Ang ACFIL ay kilala na bilang partner ng Associazione per la Riqualificazione del Quartiere Aurora o ARQA sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng nabanggit na quartiere. Ang inisyatiba ay pinangunahan ni  Giovanni Sepede ng ARQA at pakikiisa ng  Bricocenter Italia, grupo ng mga Bengalese , at mga ilang mga concerned citizens. 

Umabot na sa ikawalong edisyon ang proyektong  tinawag nilang “plogging”, isang katagang hango sa swedish na “plocka upp” (pick up) at “jogging” na ang ibig sabihin ay “pagpulot (ng kalat) habang tumatakbo”.

Ang pakikiisang ito ng ACFIL sa ARQA ay isa lamang sa mga maraming proyekto ng samahan na umani ng papuri mula sa mga kapwa Pilipino at maging sa lokal na pamahalaan. Aktibo din ang ACFIL sa larangan ng sports, humanitarian activities, at may mga literacy programs din bawat taon.

Hindi lamang sila nakatutok sa mga proyekto ng komunidad ng mga Pilipino. Ang ACFIL ay bukas sa lahat ng inisyatibong pangkawanggawa sa loob ng mas malaki pang komunidad na kanilang kinabibilangan.

Matatag na ang pundasyon ng ACFIL na naitatag dalawampu’t anim na taon na ang nakakalipas. Muling pinatunayan ng mga kasapi ng samahang ito na ang pagkakaisa ay ang kapangyarihan ng tagumpay. (Quintin Kentz Cavite Jr.)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sahod ng colf na maysakit, binabayaran ba ng INPS? Paano ito kinakalkula?

Bagong bonus na € 200,00 – paano mag-aplay at kailan matatanggap?