in

Album launching kasabay ng live concert ng Pinay singer sa Italya, matagumpay

Dinumog hindi lang ng mga Pilipino bagkus pati ng mga Italyano at napuno ang teatro kung saan ginanap ang launching at concert ng Pinay singer na si Nizzil Jimenez sa Turin. 

 

Turin – Matagumpay ang naging launching ng unang album kasabay ng live concert ng 43 anyos at tubong Lanao del Norte na si Nizzil Jimenez. Bagaman naging matagal ang katuparan ng kanyang mga pangarap partikular ang pagkakaroon ng sariling album hindi ito naging hadlang upang tuluyang maabot ang kanyang mga pangarap. 

Dinumog hindi lang ng mga Pilipino bagkus pati ng mga Italyano at napuno ang teatro kung saan ginanap ang launching at concert ng Pinay singer. 

Hindi magkamayaw sa saya at sayawan dahil tunay namang bawat awit at indak ni Nizzil ay tila nagbibigay ng enerhiya sa kanyang mga fans. “Fantastica serata”, ika nga ng mga dumalo na hindi pinalampas ang pagkakataon upang humingi ng autograph sa cd ni Nizzil.

Sa totoo lang hindi ko ini-expect na ganun karami ang manonood dahil kadalasan halos lahat ininvite ko hindi daw makakapunta dahil sa work pero bumili pa rin ng tickets at hindi ko rin akalain na maraming nagpunta na hindi ko inaasahan. Salamat talaga sa suporta nyo guys”, masayang komento ni Nizzil pagkatapos ng launching. 

Siamo davvero felici per il grande successo che sta riscuotendo il primo album di Nizzil Jimenez “My Dream”. Grazie a tutti voi per il grande affetto che state dimostrando per questa grande artista”, pahayag naman ng Seventy Records.  

Bukod dito, ayon sa pahayag ng Seventy Records, ay umani na ng 11, 830 likes ang post ni Nizzil sa kanilang official page.  

Hindi mapapantayan ang tuwa ng bagong recording artist na bagaman hindi nagtagumpay makapasok sa X-factor ay biniyayaan naman ng katuparan ng kanyang pangarap. 

 

Basahin rin: 

Pinay singer sa Turin, maglalabas ng unang album kasabay ng live concert

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga eksperto, nagsama-sama para sa proyektong nakalaan sa FilCom sa North Italy

Magkano ang dapat sahurin ng mga colf? Ano ang nasasaad sa batas?