in

APRI, sa ikalawang taon

Matagumpay na ipinagdiwang ng Association of Pangasinenses in Rome, Italy o APRI, ang kanilang ika-dalawang taong anibersaryo na isinagawa noong Mayo 27, 2012, sa Via Grottarossa sa Roma. 

altRome, Mayo 30, 2012 – Walang paglagyan ng tuwa at pasasalamat ang nadama ng mismong Presidente ng APRI na si Mr. Ernesto Fonacier dahil sa maayos at matagumpay na kinalabasan ng pagdiriwang ng anibersaryo ng kanilang asosasyon.   Kinakitaan ang lahat, sa kanyang pangunguna, kasama na ang mga opisyales at mga miyembro ng asosasyon ang pagkakaisa, kooperasyon at disiplina.   Pangunahing layunin ng APRI ay ang mapagsama-sama at makapagbigay ng mga serbisyo sa  mga taga-Pangasinan o Pangasinenses na kasalukuyang naninirahan at naghahanap-buhay sa siyudad ng Roma.    Ang APRI ang nagsisilbing tagapagbuklod sa mga kasapi nitong mga miyembro upang mapanatili ang kanilang maayos na samahan na may pagkakaisa at pagtutulungan habang pansamantalang naninirahan bilang mga migrante sa  ibang bansa.

Ang pagdiriwang ng nasabing okasyon ay pinangunahan nina Ms. Mercedes Piano at Ms. Rochelle Reduca bilang mga emcees.  Kinatampukan ang palabas ng iba’t-ibang presentasyon kasama na ang pagpaparinig ni Ms. Elma dela Cruz ng ilang katutubong awitin ng Pangasinan.  Kinapalooban din ito ng isang paglalahad na pinamagatang “Pangasinan in a Nutshell” na isinagawa ni Ms. Aurea Aguayo.  Ito ay  tumalakay sa mga mahahalagang bagay at impormasyon na may kinalaman sa Pangasinan:  kasaysayan, mga natural na yaman, populasyon at angking kagandahan ng Pangasinan.  Hindi rin naman nagpahuli ang mga kabataang Pangasinenses, ang APRI Youth,  sa pagpapakita ng kanilang mga talento sa pamamagitan ng iba’t-ibang presentasyon:  song number (Jennylyn Tabula), modern dance (Bernadette Dacaymat & Company), flute rendition (Althea Alcantara), drum exhibition number (Julian Cardeno), Latin American dance number (Nicole & Christian Vanni) at karate exhibition (Andrea Ramat & Company).  Nagkaroon din ng mga raffle draw ang selebrasyon kung saan ang mga pinalad na nabunot ay nanalo ng Rome-Manila-Rome round trip ticket, Computer Tablet, LCD TV, Touch Screen Cellphone, Digital Camera, at iba pa.  Ang huling bahagi ng programa ay kinatampukan naman ng pagpuputong ng mga korona sa mga APRI 2012 beauty queens:  Mrs. Dagupan City (Mrs. Yolanda Chua), Mrs. San Carlos City (Mrs. Nora Cardeno), Mrs.  Urdaneta City (Mrs. Gina Marquez), Mrs.  Alaminos City (Mrs. Mary Ann Rodriguez) at Mrs. Pangasinan (Mrs. Teodorita Seril).  Dinaluhan din ang nasabing okasyon ng iba pang mga Filipino community groups na kinabibilangan ng:  UMANGAT MIGRANTE, TIMPUYOG TI STA. CATALINA, ANNAK TI STA. CATALINA, TAMIWARI, SCIWARI, CORDILLERA (UCWRI), ANNAK TI BANTAY, BANTAY ASSOCIATION, LAOAC ASSOCIATION, SAOMA ASSOCIATION, MALAYA GUARDIANS,  SAN JUAN (BATANGAS) ASSOCIATION, GPII ANTI-CRIME, DELTA FORCE GUARDIANS at ASSOCIATION OF PANGASINENSES IN MILAN (APMI).

Muli, ang aming pagbati sa APRI sa kanilang ika-dalawang taong anibersaryo at hangad namin ang tagumpay ng inyong asosasyon.  (ni: Rogel Esguerra Cabigting)

alt

alt

alt

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Land Bank signs remittance deal with Italian bank

Milan-based Pinoys attend climate change forum