in

Artwork ng isang Pinay student sa Roma, hinangaan sa Milan

Hinangaan ng marami ang official poster ng isang exhibit sa Milan noong March 2-5 sa Fabbrica del Vapore. Ito ay artwork ng isang Pinay student sa Roma. 

Siya si Audrey Abigail Vilale Atienza, 23 anyos at bunsong anak nina Robert Atienza at Mylene Vilale, parehong tubong Lemery Batangas. Ipinanganak sa Roma at kasalukuyang nasa ikalawang taon ng Graphic Design sa Rome University of Fine Arts. Si Audrey ay may full scholarship sa dalawang magkasunod na taon na.

Nagreach out po ang Cosmopolitan sa mga art universities sa Italy para maging part ng kanilang ‘Cosmo I Am’ project. Ito po ay tumutukoy partikular sa Gen Z’s identities”, ayon kay Audrey 

Nagsimula ang nabanggit na proyekto noong nakaraang taon at ang mga artworks ng mga universitarians ay kanilang pina-published sa kanilang mga magazine issues. 

At sa Cosmopolitan’s Aug-Sept issue unang inilathala ang artwork ni Famosa Atienza, ang tawag kay Audrey ng kanyang mga professors. 

Kamakailan, kinontak muli si Audrey para gamitin naman ang kanyang artwork bilang official poster ng Cosmopolitan Italia’s Cosmo I Am exhibition sa Milan, kung saan umani ng paghanga at papuri ang dalaga. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 8 Average: 4.5]

Ano ang parusa sa paggawa ng false declaration sa ISEE?

PIDA, may bagong pamunuan