in

Asamblea ng mga Saksi ni Jehovah

"Hanapin ang Kapayapaan at Itaguyod ito"
 
Roma, Nobyembre 20, 2014 – Nagtipon ang mga Saksi ni Jehova na Pilipino, kasama ang ilan sa kanilang Italyanong kapwa Saksi na natuto o natututo pa ng Tagalog noong nakaraang Linggo, Nobyembre 9, 2014 para sa kanilang kombensyon sa Sentro at Timog ng Italya.
 
Dumalo sa Assembly Hall ng Roma ang 950 mga katao at marami sa pamamagitan ng streaming mula Cyprus, Greece at Sicily ang nakiisa sa nasabing kombensyon.
 
 
Ang pinaka-tema ng iba't ibang mga salig-Biblyang pahayag sa asamblea  ay "Hanapin ang Kapayapaan at Itaguyod ito", batay sa kasulatan ng 1 Pedro 3:11.
 
Ang pinakalayunin ng programa ay upang ipakita kung paano ang pagtataguyod ng kapayapaan ay isang napakahalagang bagay para mahanap ang Kaharian ng Diyos at ang katuwiran nito dahil walang tunay na katuwiran kung walang kapayapaan.
 
Ayon sa Roma 15:33 "Ang Diyos ang nagbibigay ng kapayapaan". Paano? Ito ay bunga ng Banal na Espiritu (Galacia 5:22,23), kaya walang kapayapaan kung walang kaugnayan sa Diyos. Ayon naman sa Isaias 26:3, ang namamalaging kapayapaan ay para sa yaong mga umaasa kay Jehova.
 
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Nag-expired ang permit to stay habang nasa Pilipinas. Paano babalik sa Italya?

PCG MILAN RECEIVES STRONG SUPPORT FROM THE ITALIAN SOCIAL SECURITY INSTITUTE