in

Athea Couture umani ng popularidad sa London Fashion Show

Nakipagsabayan ang Athea Couture sa isang fashion show kamakailan kung saan nakasama ang ibang mga kids fashion designers mula sa mga bansang Scotland, England at Vietnam.

Ang “House of Ikons”, pangalan ng fashion show ay ginanap sa Millennium Gloucester Hotel Kensington London.

Labis na ikinatuwa ni Jocelyn Gacad, ang Pinoy na may-ari ng Athea Couture, ang paghanga ng mga manonood sa kanyang mga sariling likhang gowns para sa 23 models buhat sa Scotland, Poland, Wales, Serbya, Romania, Albania, Zimbabwe, India, Cosovo at Italy.

“Flattered ako dahil proud ang mga parents ng models sa akin, at sa katunayan ay halos lahat ng mga designed gowns ng Athea Couture ay nabenta” masayang tugon ng fashion designer.

Sinabi ni Rod San Juan Jr., ang tumulong sa pag promote ng mga designed gowns na naka-base sa London, na halos lahat ng mga gowns ng Athea Couture ay nabili ng mga manonood.

“That was one of the biggest shows in London, it is called the House of Ikons, it’s been running few years now with designers from all over the world.”Ani San Juan.

Nakilala nila ang Athea Couture noong taon 2018 sa isang fashion event at hinangaan nila ng husto ang mga disenyong nilikha ni Gacad.

Sa grand finale ng event ay rumampa si Francesca San Juan, ang London based kid model. suot ang napaka eleganteng evening gown na yari sa telang organza with matching laces.

“Its just really nice and fun and I know a lot of people can do it so I feel like I have to make the most of it”, wika ni Francesca.

Ambisyon ni Francesca maliban sa pagmomodela ay ang maging successful opthometrist.

Kaugnay nito, hindi nagdalawang isip si Gacad sa pagtulong sa grupong “Cancel Cancer Africa” na nagkakawang-gawa sa mga batang may sakit sa Africa, na pinamumunuan ni Ronnie Jacobs.

Si Jacobs ay nakabase sa Africa at umiikot kasama ng grupo sa iba’t ibang lugar sa Africa upang suriin ang mga tao doon kung may mga sintomas ng cancer.

“We are charity and we work in Nigeria and Kenya and we have raised awareness for cancer. We have health centers and nurses that go door to door to help people check their breast, prostates and health”, ani Jacobs.

Sinabi pa niya na sa mga developing countries tulad ng mga bansa sa Africa kapag malala na ang sakit na sinapit ng isang tao ay mahirap na umanong gamutin, kung kaya’t sa pamamagitan ng programang Cancel Cancer Africa project ay agad nilang dinadala ang mga ito sa ospital upang agapan sa unang sintomas pa lamang na kanilang nadidiskubre sa pasyente.

Dahil dito ay agad nag-organisa ang Athea Couture ng isang charity fashion show alinsabay sa kasalukuyang Milan Fashion Week kung saan mahigit 80 mga models ang rumampa sa Antares Hotel Concord sa Milan, Italy.

Maliban sa mga Pinoy kids models ay dumayo sa Milan ang ilan pang mga kids models kasama ang kanilang mga magulang mula sa iba’t ibang bansa ng Europe.

Ilan kids din ang nakapanayam ng Ako ay Pilipino, tulad ni Athea anak ng fashion designer na si Gacad, ay pangarap din niyan maging fashion designer,sabi pa ng ibang kids ay gusto rin nilang tumulong sa mga taong nangangailangan.

Ang mga evening gowns ng Athea Couture para sa spring fashion mode ay yari sa mga telang tule, tafta at organza with matching laces na ipinagmalaki ang likhang pinoy.

Ayon kay Gacad, ay wala siyang hiningin kapalit mula sa grupong humingi ng tulong sa kanya,

At dahil dito ramdam ng grupo ni Jacobs ang labis ng pagmamahal, bukas ang puso at sadyang matulungin si Gacad sa mga bata.

“Kahit nakakapagod itong inorganisa kong charity fashion show na mayroon 80 models at 33 sa kanila buhat sa ibang bansa ay dinamitan ko ng aking gawang gowns at dedicated na din ito sa mga biktima ng cancer sa Africa” ani Gacad.

Hindi inaasahang nakakatanggap rin ng mga tawag sa telepono at mga mensahe sa facebbok si Gacad mula sa mga unexpected clients mula sa mga bansang Germany, Paris at Zimbabwe na umoorder ng mga signature gowns na likha ng Athea Couture.

Sa darating na May o September ay nakatakdang tumulak si Gacad sa London upang ipagmalaki ang kanyang iba pang disenyong damit at muling itaas at iwagayway ang bandila ng Pilipinas.

 

Chet de Castro Valencia

larawan ni Jesica Bautista

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Reddito di Cittadinanza per stranieri, sapat ba ang self-certification para sa kita at ari-arian sa sariling bansa?

Animal lover ka ba? May alaga ka bang aso?